Chapter 7

4 0 0
                                    

Pagkauwi ko sa bahay dali akong naligo at nagpalit ng damit ko, nagtimpla na din ako ng kape para mainitan ako.






Tuloy pa din ang buhos ng malakas na ulan kaya naman naengganyo ako na magbasa. Naisip ko na basahin ko nalang ang laman ng diary baka sakaling makilala ko ang may-ari ng diary.






May nakasulat duon at mukhang bago pa ito.


May 9,

Pinayagan akong pumasyal sa labas ng hospital dito ako sa playground dumiretso, hindi ako pwedeng umuwi dahil anytime pwede akong atakihin ng sakit ko. Ang ganda dito nakakatuwa ang mga batang naglalaro na masaya na walang iniindang sakit. Sumandal ako sa bench na inuupuan ko, sa likod nito ang malaking puno na halos puro na sulat. Ginagawang parte ng buhay nila ang mga punong ito, dito inuukit nila ang mga pangalan nila sa isa't-isa. Nakakainggit.

Kung mapagbibigyan lang sana akong mabuhay ng matagal.
Kaso alam ko naman na hindi ako pwedeng magmahal dahil ang puso ko at ang sakit na to ay di na rin magtatagal.



Nagsulat ako ng mga nangyari sa akin kanina sa pahinang may bakante, pero laking gulat ko na
Kumikinang iyon habang tinitigan ko ang mga sulat na kusang gumagalaw at bumubo ng mga salita.

"Sino ka? Bakit mo sinulatan ang diary ko."

Pero imbis na matakot sinagot ko iyon nagpakilala ako at napag alaman ko na sya talaga ang may-ari ng diary na yun.

"Magkita tayo sa park duon sa playground malapit sa hospital ibabalik ko sayo ang diary mo" sabi ko sa kanya.


"Salamat, hihintayin kita ng 4 pm, magpapahinga na ako baka mapagalitan pa ako"


Di na ako nag sulat pa, dahil nahihiwagaan pa din ako sa nangyari.

The DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon