Chapter 4

11 1 0
                                    

Maaga akong gumising para mahanap ko na kung sino ang may-ari nun! Magtatanong na rin ako lakas din kasi mang good time!




As usual mag-isa lang ako daily routine ko na asikasuhin lang ang sarili ko, minsan naisip ko rin Ano kayang pakiramdam ng may nag aasikaso at alaga sayo...




Kumain na ako at naligo ewan ko ba' ngayon lang ako nagkaron ng interes sa gantong bagay.



Dali kong kinuha ang diary na nakita ko at nilagay ko sa bag. Sumakay na ako sa kotse at nag drive papunta sa site kung sa'n ako nagtatrabaho.




Habang nagmamaneho ako di ko maiwasan tignan ang mga streets na sinisimulan nang ayusin ang mga bahay duon, naisip kong tawagan ang may ari kaya lang walang akong nakitang number nya.



"Nandun naman sya siguro mamaya dahil importante sa kanya to." Nang makarating ako sa site nakita ko ang mag constraction workers na busy sa kanilang ginagawa.




Bumaba na ako sa sasakyan at pinatawag si Engr. Loki at sinabi ko ang tungkol duon sa diary na pag mamay-ari ng taga Bell Street .




"HAHAHAHAHAHAHA! Pre walang ganon dito' matagal na akong nakadestino dito alam mo naman na walang lugar na malapit dito except duon sa mall na halos kalapit bayan nito. Sino ba may-ari nyan? Tinawagan mo na ba?" Sagot ni Engr.Loki.




"Ganon ba? Pare hindi ko naman alam mabuti nga at nagtanong ako sayo' pero pare sa totoo lang Kahit ako naguluhan hindi ko nakuha ang number nya kasi walang number duon pangalan nya lang at address, osya pre mauna na ako! Baka sakaling mahanap ko may-ari nito mag tatanong nalang ako sa kalapit bayan dito."




"Sige pre, mag iingat ka ha! Balitaan mo ako baka chiks may-ari nyan! Hahaha."



"Sige pre kung chiks man to wag ka na umasang ipapakilala kita dun ayokong isa pa sya Sa magiging babae mo hahahah!".



"Grabe ka naman pre, ganon talaga pag gwapo. Sige pre mauna na din ako, ingat"




Sumakay na ako sa kotse at nag ikot ikot muna dito sa ginagawang village nakita ko na wala pang nakatira dito kaya lumabas na ako sa gate para pumunta sa kabilang bayan para magtanong-tanong.




Maingay, makalat, ma-tao. Ganyan ko mai-de-describe ngayon kung nasaan ako. Andito na ako at nagtanong-tanong pero ni isa sa kanila walang nakakakilala kay Lei-an Vie wala ding bell street dito. Pero may isa akong babae na nakabunggo at "Ouch!" Sabi ng babae.



Humingi ako ng pasensya at tinanong ko sa kanya kung may Alam ba syang bella street duon pero wal din syang alam. Nakipag kamay ako sa kanya para na rin humingi ng pasensya dahil sa nangyari. "Wala yun" tugon nito.



"Ako nga pala si Engr. Kevin Luther ako ang Engr. Sa Bella homes Na kasalukuyang ginagawa ngayon"




"Ah oo, nabalitaan ko nga na may pinapatayuang village dun maganda daw ang pagkakaconstruct nito at may malapit din na hospital na ginagawa duon. Ako nga pala si Juliana, binabalak namin kumuha ng asawa ko duon ng bahay."




May halong pagka dismaya ako ng malaman kong may asawa na pala ito pero di rin nakakapagtaka dahil sa ganda nya siguradong madaming nagkakandarapang lalaki dito na humahabol.




"Tutal Engr. Ka duon pwede mo ba kami tulungan ng asawa ko na kumuha ng magandang bahay duon? "Tanong ni Juliana.




"Oo naman! teka ano ba pangalan ng asawa mo? Para naman makausap ko din?"



"Leo Vie, sige bukas magkita tayo sa coffee shop na malapit dito papakilala kita sa asawa ko at para mapagusapan ang bahay na bibilhin namin ng mister ko"



"Sige salamat, mauna na ako may hinahap din kasi ako. Bukas coffee shop at 9am," agad akong sumakay sa kotse at umuwi na sa bahay .

The DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon