Panimula

8.1K 190 26
                                    

"I'm sorry but I'm breaking up with you Perly," sabi ni Jake sa akin.

Nahulog ng wala sa oras ang maliit na cake na hawak-hawak ko. Bigay niya ito sa akin dahil birthday ko ngayon. Birthday cake na naging break up cake.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Baka binibiro niya lang ako at sabihin mamaya na "JOKE! JOKE LANG MY PERLY! HAPPY BIRTHDAY!"

"J-Jake," nanginginig ang labi ko.

"You heard me Perly. I'm breaking up with you. Ayoko na sa'yo."

That's it. Hindi nga siya nagbibiro.

"Pero bakit? Bakit mo ako iiwan? I'm such a good girlfriend to you di ba? Anong pagkukulang ko? Tell me Jake. Baka sakaling ma-solusyonan pa natin. Huwag namang ganito Jake," sabi ko sa kanya at hinawakan siya sa braso.

"No Perly. Nagsawa na ako sa relasyon natin. I'm sorry," sabi niya at dahan-dahan na tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanyang braso.

"Sabihin mo sa akin. Anong pagkukulang ko Jake? Anong mali sa akin?" gumaralgal na ang boses ko.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Napalunok tuloy ako ng laway ng wala sa oras.

"Your entirety Perly. You're so plain. Hindi ako natsa-challenge kapag kasama kita. You're too boring for me."

"Hindi ba pwedeng bukas ka na lang makapaghiwalay sa akin? Bakit ngayon pang birthday ko mismo? Nananadya ka ba Jake?"

"No. I'm sorry Perly. I just want to be honest with you. That's all. We're over," sabi niya at tinalikuran na ako.

Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. I don't know what to do. Hahabulin ko ba siya? Magmamakaawa ako sa kanya na huwag akong iwan?

Pero alam ko kung gagawin ko iyon, hindi rin naman magbabago ang katotohanan na ayaw na niya sa akin. Dahil simple lang ako at boring kasama.

Naiinis ako dahil bakit naging ganito ang upbringing ko. Gusto kong umiyak sa inis at sa sakit na dulot nang hiwalayang ito.

Napaiyak na ako ng tuluyan nang mawala sa paningin ko si Jake. Bakit ba kay bilis lang nila akong iwan? Dahil ba simple lang ako? Dahil hindi ako ng ibang babae d'yan na nagpapaganda at lumalandi ng sobra?

Iba na ba talaga ang hilig ng mga lalaki ngayon? Ayaw na ba nila sa mga tulad ko na ala-Maria Clara ang dating?

Malungkot kong pinulot ang cake na nahulog sa damuhan. Nakakahiya dahil tinitigan ako ng mga taong gumagawi rito. This is the best birthday slash break up ever.

Pinapangako ko na balang araw, maghahabol din sa akin si Jake. Ipapakita ko sa kanya kung sino ang sinayang niya.

Pagkatapos ng masaya at makabuluhang break up ay pumasok na ako ng school. Ayokong magmukmok sa bahay dahil sa nangyari. Kahit nasasaktan ako ay ayoko pa ring maapektuhan ang pag-aaral ko.

Mapapagalitan ako ni mommy kapag hindi ako nakapasok sa Dean's List!

Sinalubong ako ng dalawa kong bestfriend na sina Alena at Elona. Kambal ang dalawang ito kaya minsan nalilito pa rin ako kung sino ba sa kanila ang hinahanap ko. Madi-determine ko lang sila kapag nagsasalita na sila.

Masyadong madaldal si Alena, witty at energetic. Manang-mana sa mommy niya. Samantalang si Elona naman ay medyo mature na talagang mag-isip. But I love them both kahit na magkaiba sila ng pag-uugali.

Kumapit agad sa braso ko si Alena habang nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Girl, guess what?" panimula niya.

The Playboy's ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon