Kabanata 42

2.6K 99 72
                                    

Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko. Pero naisip ko rin, wala naman sigurong mawawala sa akin di ba? And besides alam ko namang hindi ito seryoso kaya napa-oo na lang din ako.

Alam niya naman ang sitwasyon ko. I don't know what his real reasons to ask for it. Baka bored lang siya kaya gano'n. I want to ask him directly kung bakit pero pinigilan ko na lang din ang aking sarili.

Some questions are better left unanswered. Dahil baka kapag nalaman mo, hindi mo lang din paniwalaan. Or worst, mas lalo ka lang magdududa.

Inabala ko na lang ang sarili sa pagkain nang niluto niyang pochero. And I must admit, masarap nga itong luto niya. Iba ang style ni mommy sa pagluluto. Parehong masarap subalit may kakaiba sa luto ni Angelo Christian.

Baka nga dahil sa saging niya.

Uminit ang magkabilang-pisngi ko dahil parang biglang dumumi ang takbo ng utak ko. I shouldn't think that way. Ano ba itong naiisip ko?

"I told you. Mas masarap ang pochero dahil sa saging ko."

Nasamid ako sa sinabi niya. My goodness! Humalakhak siyang dinaluhan ako ng tubig. Is he teasing me? Bakit feeling ko alam niya ang tumatakbo sa isip ko ngayon?

"So what do you want us to do now, gha?" he asked in a sexier and sweeter way.

I almost rolled my eyes sa ginamit niyang term of endearment. Gha talaga? As in 'palangga'?

"Nilalandi mo ba ako Angelo Christian?" nananantiya kong tanong sa kanya.

"Effective ba?" nakangising tanong niya sa akin.

Kaagad akong umiling at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"Gha?" tawag niya.

Hindi ko siya pinansin.

"Gha..."

Nagmatigas ako. Nakokornihan talaga ako sa 'gha' na 'yan.

"Gha, sapaka man ko bi."

(Gha, pansinin mo naman ako.)

Napangiti na ako. Nakuha niya ang kiliti ko. Gumagaan kasi ang pakiramdam ko kapag nakakarinig ng taong nagsasalita ng Hiligaynon. Sobrang lambing kasi. Especially kapag sa lalaki pa mismo nanggaling.

"Bakit 'gha'?" tanong ko.

"Busy ka kasi sa pagkain mo," sagot niya.

Napailing ako. "I mean, bakit...'gha'? Wala ka na bang ibang maisip na maganda-ganda?"

Napanguso siya. "'Yan ang tawag sa akin ng nanay ko noon."

Natahimik ako. Parang biglang may kumirot sa puso ko. Pasimple ko siyang tinitigan. Napakurap-kurap ako nang seryoso siyang tumingin sa akin.

"Pero kung ayaw mo, we'll find a new one," suhestiyon niya.

Mabilis akong umiling na ikingiti niya. Siguro titiisin ko na lang ang kakornihang ito. Isang linggo lang naman eh.

Right, Perly. Think of it like you're just doing a favor.

Ilang sandali pa ay tumunog ang phone niya. Napatingin muna siya sa akin before he excused himself para sagutin ang tawag.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Natapos na ako na hindi pa rin siya nakabalik. Baka emergency. I decided to clean the table. Mabilis kong natapos iyon. Nahugasan ko na rin lahat ng nasa lababo.

Dumungaw ako para tingnan siya pero wala na siya roon sa kanyang puwesto. Baka nasa room na niya. Pumunta na lang ako ng sala at kumportableng naupo sa couch.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Playboy's ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon