Kabanata 25

1.6K 67 4
                                    

#TPPShameless

Pinanindigan ko ang sinabi ko kahapon kay Angelo Christian.  Gagawin ko ang lahat just to make this work.  Hinahanda ko na rin ang sarili ko sa kung ano mang mangyayari sa gagawin ko. 

Tiwala naman kasi ako na kapag may eskandalong nasalihan ang sa kung sino man ang under sa TPP ay hindi pinapaalam sa parents hanggang sa kaya pa ng mga ito na maresolba. 

Hinintay kong makalabas si Jake sa kanilang classroom at saka siya nilapitan.  Kunot ang noo niyang nakatingin sa akin. 

"What about this time,  Perly?" tila pagod niyang sabi. 

"Have lunch with me," nakangiti kong sabi. 

"Sabay kami ni Celine kumain.  And I guess you don't want any trouble right?" sabi niya at nagsimula nang maglakad. 

"I don't care," pahabol kong sabi na ikinatigil niya. 

Napangiti ako.  I know he didn't expect it for me to say that.  Alam niyang ayaw ko ng eskandalo.  Na as much as possible ay walang makakapansin sa akin.  Unti-unti siyang pumihit paharap sa akin. 

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.  "Kahit nandiyan pa si Celine, sasama pa rin ako sa'yo Jake."

Nagkasalubong ang kanyang mga kilay.  Nginitian ko lang siya at hinawakan ang braso niya. 

"Tara?"

"Ito ba ang natutunan mo sa pagsali sa org na 'yon?" disappointed niyang tanong. 

Tiningala ko siya kaya nagkasalubong ang tingin namin.  "Well, yes.  Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko.  At gusto ko ay kasama kang mag-lunch ngayon.  So take it or take it."

"Stop it,  Perly.  Tumigil ka na.  Hindi makabubuti sa'yo ang pagsali sa TPP!"  may babala sa tono niya. 

"At ano ang makabubuti sa akin,  Jake? Ang bumalik sa dating ako? Ang magmukmok sa tabi dahil iniwan ako ng taong akala ko ay mahal na mahal ako at hindi bibitawan?"

Natahimik siya.  Bago pa ako madala ng aking emosyon ay hinatak ko na siya papuntang canteen.  Napanganga ang kaibigan kong kambal nang makita nila kaming magkasama at nakahawak pa ako sa braso ni Jake.  Nakangiti akong kumaway sa kanila. 

Dinala ko si Jake sa isang bakanteng table.  Walang gana siyang umupo.  Masigla naman akong umupo sa upuang kaharap niya. 

"Anong gusto mong kainin? I'll order it for you.  Libre ko," masaya kong tanong sa kanya. 

Binabalewala ko ang cold treatment niya sa akin. Okay lang. I didn't expect him to be sweet to me.  Nagsisimula pa lang ako. 

"Libre mo?"

Parang bahagya akong nainsulto the way he put his intonation in his question.  I let it slide. Dahil alam ko naman eh.  Sa tuwing lumalabas kami,  nagdi-date,  siya palagi ang nagbabayad.

"Oo naman.  Kaya huwag ka nang tumanggi."

"Bakit hindi mo naisipang gawin ito noong tayo pa?"

Saglit akong natigilan sa tanong niya.  Nang makahuma ay nginitian ko siya. 

"Mali ang tanong mo.  Tayo pa naman di ba? Ikaw lang ang nakipag-break sa akin."

Napabuntong-hininga siya.  Ilang minuto akong naghintay subalit wala siyang sinabi. 

"Sige na nga.  Ako na lang ang pipili ng kakainin mo.  Tutal alam ko naman ang paborito mong kainin palagi eh."

Tumayo na ako.  Hahakbang na sana ako nang may naalala.  Hinarap ko siya. "Huwag mo akong tatakbuhan.  Dahil hahabulin pa rin kita."

The Playboy's ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon