Kabanata 16

1.8K 86 11
                                    

Evaluation

Kinahapunan ay isa-isa kaming pinatawag ng council.  Ito na nga pala ang araw para sabihin sa harap nila ang dahilan kung bakit hindi ka dapat maiinlove sa mentor or project mo. 

Napabuntong-hininga ako. Bakit pa kasi kailangan no'n? Eh malinaw pa sa aparisyon ni Mama Mary na hinding-hindi ako maiinlove sa tukmol kong mentor?

Anyway,  hindi naman mahirap eh. Kung tutuusin ay hihigit pa sa sampu ang pwede kong ibigay.  Napaisip ako.  Ano kaya ang magiging dahilan ni Angelo Christian?

"Itext mo kami kung nakauwi ka na ha?" sabi ni Alena sa akin.

"Saka, ichika mo rin sa amin ang tungkol sa mga reasons ni Angelo kung bakit hindi siya maiinlove sayo," natatawang sabi naman ni Elena.

"Oo na.  Sige.  Mag-iingat kayo.  Ikamusta niyo na lang ako kay tita Diane at tito Florentino ha?" patungkol ko sa kanilang mga magulang. 

Nang makaalis na sila ay naglakad na rin ako papuntang office ng TPP.  Saan na ba ang Angelo Christian na 'yon? Alam naman niya siguro iyon di ba? Para ano pa at naging isa siya sa founder.  Tsss.

Napahinto ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Celine.  Masama ang tingin niya sa akin. Problema nito? Kung makatingin sa akin,  parang siya pa ang inagawan ng boyfriend ah?

"You know what..."

"I don't know!" pagpuputol ko sa sasabihin niya.

"Do you really want war?"

Hindi ko siya maintindihan.  Siya itong humarang sa dinadaanan ko tapos tatanungin niya ako kung gusto ko ng war? May sayad na siya sa utak!

"Bakit ko naman gugustuhin 'yan? Kung gusto mo,  sumanib ka roon sa mga terorista,"mahinahon kong sabi at tumabi na lang para makadaan. 

Kung gusto niya ang spot na iyon,  eh di solohin niya! Ang lawak-lawak ng daan eh.

"Kahit kailan ay hindi mo na maaagaw sa akin si Jacob!" sabi niya sa likuran ko.

Napakunot-noo ako.  May sinabi ba akong gano'n? 

"Eh di sa'yo na," sabi ko at binilisan ang paglakad. 

Hindi ko alam kung anong nakain ni Jacob at nagustuhan siya nito. I maybe old fashioned and plain pero masasabi ko naman na mabuti akong tao kumpara sa pinagpalit nito sa akin. 

Nanghihinayang talaga ako sa nangyari sa aming dalawa.  He's my first boyfriend and I want him to be my last! Gusto kong tularan ang lovestory ng parents ko. Na kahit andaming pagsubok ang dumaan sa kanilang dalawa,  at the end...love wins. 

Sinabi ko sa sarili ko na kaya sumali ako rito para ipakita kay Jacob kung anong sinayang niya.  Totoo naman. Pero may isa pa akong rason.  Na kapag tumaas na ang tiwala ko sa sarili,  sumosyal ang pananamit at kilos ko ay babalik siya sa akin. 

Babalik siya at tatanggapin ko pa rin siya.  Pero syempre,  dapat niya rin akong paghirapan. Wala siyang ideya kung gaano kahirap ang malagay sa ganitong sitwasyon. 

Ilang beses ko nang in-assess ang feelings ko.  He hurt me but it doesn't change the fact that I still love him. How could I hate him when all our memories are good.  Ni hindi kami nag-away ng sobra.  Halos magkasundo kami sa lahat ng bagay.

Kaya sobrang pagtataka ko kung bakit sa isang iglap ay iyon na ang nangyari.  He broke up with me sa mismong birthday ko. He said something na hindi ko naisip na sasabihin niya.

Hanggang sa nakarating ako sa office ay iyon lang ang laman ng isip ko.  Kumatok ako at bumukas iyon.  Bumungad ang nakangiting mukha ni Lance Timothy. 

The Playboy's ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon