Kabanata 7

2.5K 124 6
                                    

Shh, Shut Up Ka na Lang

Pagkatapos ng klase namin sa Virology ay dumiretso na ako ng canteen. Doon na lang kami magkikita ng kambal. Ibang course kasi silang dalawa kaya sa ibang minor subjects lang kami magkaklase.

Inayos ko muna ang damit ko bago tuluyang pumasok ng canteen. Napatingin sa akin ang mga estudyante. Nagulat sila siguro na may Hanging Garden sa canteen. Urgh! Why do I keep muttering that? Nakakainis kasi na Angelo Christian na 'yon eh!

Nagpatuloy ako sa paglalakad at tumungo sa direksiyon ng kambal na ngayon ay gulat na gulat sa hitsura ko.

"Omg P! Ikaw ba talaga yan?" tanong ni Alena nang makaupo na ako.

"Oh bakit gulat na gulat kayo? Ako pa rin ito ano," natatawa kong sabi sa kanila.

"Ang ganda mo!" sabi ni Elona.

Napangiti ako. Sobrang honest kaya ni E! Kaya alam kong hindi niya ako inuuto lang.

"Thank you," nahihiya kong sabi.

"At dahil d'yan, ilibre mo kami," sabad naman ni Alena na ikinangiwi ko.

"Bakit? Birthday ko ba?"

"No. Dahil gumanda ka ng bongga, ilibre mo kami. Dali!" masayang tulak sa akin ni A.

Tiningnan ko muna ang wallet ko. God. 500 pesos na lang ang laman? Hindi pala ako nakahingi ng pera kay mommy. Nagmamaktol akong tumayo at tumungo sa counter.

Nag-order na ako nang makakain naming tatlo nang biglang may pumasok sa canteen. Ang members ng TPP! Nagkagulo na naman ang mga estudyanteng naroroon. Present din ang mga bagong projects na nakadikit sa kanilang mentors.

Napailing na lang ako. Oo nga at mga gwapo sila, sikat at mayayaman. Pero what's so special about them na halos sambahin na sila ng karamihan dito sa school. It's not they saved the country in their past lives di ba? Na isa sa kanila dati ay si Jose Rizal, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini at iba pang mga kilalang bayani.

Nakapagbayad na ako at bitbit ko na ang in-order sa isang food tray.

"Hay, ang gwapo talaga ni Angelo Christian ano? Ang swerte-swerte naman ng project niya," dinig kong sabi ng isang babae.

Maswerte? Ha. Ha. Ha. Hindi niyo lang alam kung gaano ka-bipolar, moody at ka-manyak 'yang hinahangaan niyo!

"Kung ako sa project niya, magpapabuntis talaga ako sa kanya. Kahit hindi niya panindigan. Maambagan man lang ako ng isang magandang lahi!"

Muntik na akong matapilok sa narinig. Masyado akong kinilabutan sa mga sinasabi ng mga 'hibang' na yun kay Angelo Christian!

Inilapag ko na sa mesa ang order namin at saka umupo na. Tiningnan ko si Alena na nilantakan na ang spaghetti.

Wala na akong pera. I wanna cry!

"Oh ba't nakabusangot ka d'yan? Perly naman. You should at least act happy in front of us para sa gano'n ay hindi naman kami kabagin sa nilibre mo sa amin," naiiling na sabi ni Alena.

Na-guilty ako tuloy. Sige, hayaan na nga. Minsan ko lang naman nililibre ang kambal eh. Ay mali. Ngayon ko pa lang pala sila nalibre. Haha.

Binigyan ko sila ng isang napakatamis na ngiti at saka kumurap-kurap. Mannerism ko na yata ang pagkurap-kurap minsan ng mga mata ko eh. Kaya siguro naiinis minsan sa akin si Angelo Christian kapag tinitingnan ko siya.

"Better!" masayang sabi ni Alena.

Napalingon kaming tatlo nang marinig ang malakas na tawanan ng mga TPP's sa malaking table. Sumabay rin sa tawanan nila ang ibang projects. May ibang mga sosyal na babae naman ang lumapit sa kanila.

The Playboy's ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon