Kabanata 1

3.5K 130 12
                                    

Ang Kapal Ng Mukha

Pinag-isipan ko talaga ng mabuti kung ano ang aking gagawin. Kailangan kong ma-corner si Angelo Christian Demonteverde para kausapin. Kung hindi ko siya madadaan sa mabuting usapan, then I'll do the dirty way. It's wrong but it feels so right for me. For now, I supposed. After all, hindi naman ako makokonsensiya siguro sa gagawin ko dahil ultimate playboy itong bibiktimahin ko.

Naisip ko na lang na ilang babae na kaya ang napaglaruan ng lalaking iyon? Igaganti ko na lang sila. Saka gagamitin ko lang naman ang expertise niya ano. Hindi ko naman siya paglalaruan or something.

Hawak-hawak ko ngayon ang isang papel na magiging alas ko kay Angelo Christian kung sakaling hindi ko siya mapapayag sa mala-diplomatikong usapan.

Lingid sa kaalaman ng lalaking iyon ay minamanmanan ko na siya simula noong lumabas siya sa canteen. Ni hindi na nga ako nakapasok sa mga next subjects ko dahil naging paparazzi ako. Babawi na lang ako bukas. Mas importante ito eh.

Nasa labas na ako ng school gate dahil doon ko aabangan si Angelo Christian. Hay, ang haba ng pangalan. Ang arte ng parents niya ha. Sa akin nga Perly lang eh.

Kulay pula na Montero ang sasakyan niya. Alam ko 'yon based on my paparazzi skills. Hindi nagtagal ang paghihintay ko dahil naispatan ko na ang sasakyan niya palabas ng school.

Aminado akong kinakabahan ako ngayon dahil sa gagawin ko. Dagdagan pa na ultimate playboy ito. At dagdagan pa na super gwapo ng nilalang na ito.

Nang makalapit na ang sasakyan niya sa direksiyon ko ay kaagad kong hinarang ang isa kong kamay sa daanan niya. Kapag hindi ito huminto, buong buhay kong pagsisisihan na putol na ang isa kong kamay. Napapikit ako sa kaba. Pinakiramdaman ko ang kamay ko. Thank God. Intact pa rin. Kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.

Lumuwang ang pagkakangiti ko nang makitang huminto ang sasakyan niya. Halos mapatalon ako nang sumilbato ito. Hindi pa ako nakakagalaw ay bumukas na ang pinto ng sasakyan at lumabas doon si Angelo Christian. Inis siyang lumapit sa akin.

Kung gwapo ito sa malayo, mas triple pa ito sa malapitan. Nakakalula ang kagwapuhan niya sa totoo lang. Saka I really love his hairstyle. Kilala niyo ba si Cloud ng Final Fantasy? Gano'n na gano'n ang buhok ni Angelo Christian! Ang kaibahan nga lang ay hindi blonde ang buhok niya. Itim na itim ito na mas lalong nag-depina sa well-chiseled face and expressive eyes niya. No wonder na handang magpaka-gaga ang mga babae sa kanya. Well, except sa akin ha.

No doubt, he's super handsome. But it doesn't change the fact na he's an ultimate playboy. So thank you na lang. Much better to settle sa kahit hindi kasing-gwapo niya basta ba ay loyal at faithful sa kanyang girlfriend.

"What's your problem? May plano ka bang magpakamatay?" naiirita niyang tanong sa akin.

I watched his lips habang nagsasalita. Nakaka-amaze talaga ang lalaking ito. Para siyang anime character. Para talagang si Cloud.

"Ah eh..."

Napa-half smile siya sa reaksiyon ko. Wow. Ang puti at ang pantay rin ng mga ngipin niya. How could someone be this blessed when it comes to looks.

"You know what Miss, I don't like hooker alright?" umpisa niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa saka ngumisi. "And you're not even my type. Kaya pwede ba, tumabi ka na at may importante pa akong lakad."

The Playboy's ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon