Kinakabahan akong lumabas sa aming classroom matapos ang last subject ko at luminga linga ako kung nasa paligid ang mga lalaking kuma usap sa akin kanina.
Nakita kong wala sila sa paligid kaya nabuhayan ako ng loob at naglakad papuntang labasan ng school
Palabas na sana ako ng makita ko si Zedie na nakasandal sa may kanyang big bike malapit sa gate.
Nakayuko siya at hawak niya ang kanyang cellphone.
Liliko na sana ako at tatakas nang masulyapan niya ako mula sa cellphone na hawak niya.
"Hey come here." sabi niya agad pagkakita sa akin
Lumapit ako sa kanya at tumayo sa kanyang harapan.
"What is it?" she asked him.
Umangkas siya sa kanyang big bike at tumingin sa akin.
"Hop in."
"Ha?bakit?"
"Wag ka nang magtanong basta sumakay ka nalang, mamaya ka nalang magtanong."
Inabot niya sa akin ang isang helmet na nakapatong sa kanyang big bike.
Umangkas na ako sa kanyang big bike at pinaandar na din niya ito.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya naman nagtaka ako ng huminto kami sa harap ng isang malaking gate.
May pinindot siya sa kanyang relo na isang cellphone pala. Bumukas ang gate at pinaandar na din niya ito papasok ng garahe.
Bumaba ako at pinagmasdan ang paligid.
Malaki ang bahay at pantatluhang palapag iyon.
"Follow me." nilagpasan niya ako at nagtuloy tuloy na pumasok sa loob ng bahay.
Sumunod ako sa kanya at naabutan kong nakaupo siya sa isang mahabang sofa sa sala.
"Wala pa sila kaya umupo ka muna." pinatong niya ang dalawang paa niya sa may lamesa at sumandal siya sa sofa ng nakapikit.
Umupo ako sa may pang isahan na upuan. Sumandal ako at inisip ang mga nangyari simula kaninang umaga.
Kung tutuusin wala naman akong kasalanan dahil nabangga ko lang naman yung isa sa kanila at tsaka ininom ang gatorade ng isa rin nilang kaibigan.
"Hi cute!"
Nagulat ako sa boses na nagmula sa may pintuan. Nilingon ko iyon at nakita kong andito na sila at may isang bagong mukha akong nakita.
Nalaman kong si Dj ang bumati a akin dahil nakataas pa ang dalawang kamay na nag hi-hi.
Kakaway na din sana ako sa kanya ng may biglang humarang sa aking harapan.
Likod pala iyon ni Zedie na nakaharap sa kanila. Mukhang nagising ito dahil sa lakas na din ng boses ni Dj sa pagbati sa akin.
"Bakit ngayon lang kayo?" tanong ni Zedie sa mga kaibigan niya.
"Hinintay pa kasi namin si Time. Natatamad daw siyang bumangon kanina." paliwanag naman ni Dj.
Nakinig lang ako sa mga pinag uusapan nila ng biglang umalis sa harapan ko si Zedie at nakita ko silang naglalakad papunta sa pwesto namin ni Zedie.
Nagkanya kanya silang upo sa sofa habang ako naman ay nagmamasid lang sa susunod nilang gagawin. Malay natin irape pa nila ako.
Bigla akong napatakip sa dibdib ko at napapikit ng maisip ko iyon. Tama dapat hindi ako maging komportable dahil ngayon ko pa lang sila nakita.
"What are you doing?"
Bigla akong napamulat dahil napakalapit ng boses ng nagtanong sa akin nuon.
"Ahhhhhhh!!!!" sumigaw ako dahil na din sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin mula sa may gilid ng mukha ko.
"Kenneth." sabay lahad niya sa akin ang kanyang kamay.
Tinitigan ko lamang ang kanyang kamay pabalik sa mukha niya.
Nginuso niya sa aking ang kamay niya. Ah siguro gusto niya ng kendi.
"Ahh, wait lang."
Binuksan ko ang bag ko at kumuha ako ng isang kendi sa may pencil case ko.
"Oh masarap yan strawberry ang flavor tsaka presko sa bibig." sabi ko sa kanya ng nakangiti.
Nalaglag ang kanyang panga at tinignan niya ako papunta sa kending nasa palad niya.
Ay hindi niya ata gusto yung flavor ng kendi.
Bigla akong sumimangot kukunin ko na sana yung kendi sa palad niya pero tiniklop niya ang kanyang palad.
May narinig akong nagtatawanan kaya napatingin ako sa kanila at nakita kong tumatawa sila pero si Zedie ay ngumingiti lamang at nakatingin sila sa aming dalawa.
Tumingin ako sa lalaking nasa harap ko na nagpakilalang Kenneth. Nakatingin ito sa akin habang nakangiti.
"Now I know why." he said
Tumalikod na ito sa akin at umupo sa sofa katabi ni William.
"Dude I told you!" saad naman ni Dj na nasa tabi ni Zeddie.
Naalala kong may gagawin pa pala ako sa bahay at baka magalit nanaman sa akin ang tiyahin ko. Tatayo na sana ako pero biglang pumasok duon ang masungit na lalaking nabangga ko kanina.
Binati nila ito pero hindi man lamang ito ngumiti sa kahit isa sa kanila. Puro tango lang siya sa mga ito.
Umupo siya sa pang isahang upuan sa harapan ko. Tumingin siya sa akin.
Nakipagtitigan ako sa kanya. Gwapo pala ito, matangos ang ilong nito at mahaba ang pilikmata, may manipis na labi din siya na kulay pula na parang kaysarap halikan. Mukang nahaluan ito ng ibang lahi dahil sa mga mata niyang blue na sa tuwing tititig ka duon ay parang nasa dagat ka at alam niya lahat ng sikreto mo.
Tumaas ang sulok ng labi niya at napansin kong may dimple din pala siya.
Gwapo din pala ang kumag na ito. Ano na nga ulit ang pangalan niya?.
Ahhh naalala ko na, Oras ang pangalan niya.
"So Time what's the plan?" tanong ni Zeddie kay Oras.
Tumingin ako kay Zeddie. Plano?, plano saan?.
Ako ba ang pinag uusapan nila?..Oh my gosh!.May balak pa ata talagang irape ako pagkatapos papatayin nila ako at itatapon sa manila bay. Paano na ang pangarap ko?.Hindi pwede!.Lumaki ang mata ko ng ma imagine ko iyon.
Magsasalita na sana ako ng biglang magsalita si Oras.
"Train her to be the perfect girlfriend that I needed."
Ha?.ako girlfriend?. Teka may boyfriend na pala ako ng hindi ko alam?.Ni hindi manlang nanligaw.
"What do you mean girlfriend?.Hoy Oras hindi kita boyfriend, excuse me may taste naman ako no!" saad ko kay Oras.
"What did you say?.Oras?.Sinong Oras na sinasabi mo?" kumunot ang nuo niya dahil sa sinabi ko at mukhang galit pa ata.
Huh?.Nagalit pa ata si Almighty Time.

BINABASA MO ANG
CINDY RAYLA
RandomShe just wanted to have a simple life bilang scholar ng isang pang-mayaman na university at gusto niya ring makapagtapos ng pag-aaral para sa sarili niya dahil lumaki siyang walang magulang, lumaki siya sa puder ng kanyang tiyahin. That's all, yun l...