"Cindy!!!!!" sigaw ng aking tita mula sa loob ng cr sa kanyang kwarto.
"Po tita?"
"Bakit ang dumi ng cr sa kwarto ko!?" sigaw ng aking tiya mula sa pintuan ng kanyang banyo.
Limang taong gulang pa lamang ako ng iwan ako ng aking ina sa aking tiyahin.Na rape ang aking ina nung siya ay nagtratrabaho sa isang club sa aming bayan. Isa siyang waitress duon ayon na rin sa aking tiyahin. Iniwan niya ako sa aking tiyahin upang makapagtrabaho siya sa ibang bansa, ngunit nakapag asawa siya ng isang amerikano, siyam na taong gulang ako ng nakapag asawa siya simula nuon ay hindi na ako kinakausap ng aking ina. Ayon sa tiyahin ko mayaman daw ang napangasawa nito kaya hindi daw maaring malaman nito na may anak na ang aking ina. Nagpapadala din naman ng pera buwan buwan bilang pansoporta sa aking pag aaral. Ang sabi pa ng aking tiya ay resposibilidad lang ako ng aking ina kaya kapag nakapag tapos na daw ako ng kolehiyo ay tapos na daw ang kanyang responsibilidad sa akin.
Hindi ko matanggap na ganun lamang ang tingin ng aking ina sa akin kaya naman tinitiis ko ang kasungitan ng aking tiyahin.
"Tita nilinis ko naman po iyan.." sagot ko sa kanya
"Aba sumasagot kana ngayon ganun?.Hala linisin mo ulit yan ngayon din!"
"Pero tiya malalate na po ako sa school unang araw pa man din ngayon"
"Wala akong paki alam ang importante linisin mo ang aking banyo, hindi bat scholar ka naman at matalino, wala rin naman kayong masyadong ginagawa sa school"
"Pero tiya..." katwiran ko sa kanya
"Wala nang pero pero, linisin mo na yun. Wala ka talagang kwenta!"
Nilinis ko ang banyo niya at binilisan ko na din dahil tiyak na malalate ako sa school. Unang araw ko pa mandin sa college.
BS Accountancy ang aking kinuhang kurso dahil gustong gusto ko ang numero.
Pagkatapos kong linisin ang banyo ay umalis na ako dahil 30 minutes nalang ang natitirang oras bago magsimula ang first period.
Pumasok ako sa gate ng university mula sa gate ay nakikita ko ang naglalakihang puno sa na nasa hallway ng school.
Talagang pang mayaman ang school na ito, ang kanilang parking lot ay napakalawak. Halos lahat naman kasi ng student dito sa school ay may dalang kotse o kaya naman big bike. Hindi ko gustong mag aral sa pang mayaman na university kaya lang ang aking tiyahin ang pumili ng school na ito dahil ayon sa kanya baka sakali daw na makakita ako ng mayaman na mapapangasawa. Isa akong dakilang scholar, buti nalamang nabiyayahan ako ng talino upang makapag aral sa kolehiyo at mabawasan ang gastusin.
Nagsimula na akong lumakad papuntang first period ng klase dahil 5 minutes nalang ang nalalabing oras.
Papasok na ako sa room ng first class ng biglang may nabangga akong matigas na bagay.
"Tanga ka ba o sadyang papansin ka?Tabi!" sigaw ng taong nakabangga ko.
Siya na nga itong paharang harang siya pa ang may ganang magalit.
Magsasalita na sana ako ng biglang may humila sa akin patayo.
Tinagnan ko ang taong humila sa akin.Gwapo siya at matipuno yun nga lang mukha siyang naglilihi na buntis dahil mukha siyang galit sa akin.
"Who you?" bigla ko nalamang nasabi iyon ng malakas dahil na rin sa gulat nang hilain niya ako patayo.
Tsaka ko lang napansin ang lima pang kasama ng lalaki sa aking harapan.Lahat sila ay gwapo, matangkad at seryosong nakamasid lang sa akin at sa lalaking nasa harapan ko.
Great!
I am now the center of attraction at ayoko iyon.
"Pasensya na hindi kasi kita nakita.Akala ko kasi pader" sabay awkward na tawa.
Bigla akong ngumiwi nang hindi manlang sila kumurap sa aking sinabi.
Tinabig ko ang kamay ng lalaking kanina pa pala ako hawak.Tumakbo ako ng mabilis dahil kinakabahan ako sa paraan ng kanilang pagtitig.
Muntik na ako doon, first day pa man din ng eskwela ay mukhang mapapahamak na ako sa kamay ng mayayaman na ito.
Huminto ako sa pagtakbo ng marinig ko ang bell sa school.
Hala! kelangan ko nang magmadali dahil baka malate na ako sa klase. Baka mapagalitan pa ako ng teacher.
Bumalik ako sa daan kung san ako nanggaling kanina dahil duon ang first period ko.
Pumasok ako sa classroom at umupo sa harap at sa may tabi ng bintana.Gusto kong lagi akong nasa harap para marinig kong mabuti ang aking teacher.
Nagsidatingan na din ang mga iba kong kaklase na sosyal.
Nagsimula agad ang disscussion sa unang klase, buti nalamang hindi ako nag absent tulad ng sabi ng aking tiyahin.
Natapos na ang pang umagang mga klase ko at lunch break na.Dumeretso ako sa canteen ng school. Bigla akong napatigil ng makita ko ang canteen.
Napakasosyal ng canteen nila parang isang mamahaling restaurant na may mga waiter pa na nagtatake order at nagdedeliver ng kanilang order.
Namangha ako sa canteen nila. Ngayon lamang ako nakakita ng canteen sa school na pang mayaman na restaurant.
Naglakad ako papasok sa canteen. Napansin ko ang glass na room na kasing laki ng sala ng bahay nila tiyahin ko sa may bandang gilid sa harap ng canteen. Kita sa loob ng canteen ang nasa loob. May table duon na napakaganda, may pito ding upuan na sosyal, meron ding dalawang waitress na nakatayo sa gilid nuon. Lahat ng gamit sa loob ay sosyal. May flatscreen na tv din duon, may x box at meron pang bar at bartender. Sa may gilid ng glass room ay pintuan.
Nakita kong pumasok duon ang anim na lalaking nakita ko kanina, isa duon ang nabangga ko at ang humila sa akin patayo. Pinagbuksan sila ng waitress na nasa loob.
Sa gulat ko ay bigla akong naglakad sa pinaka dulong upuan sa gilid.
Isa lang ang ibig sabihin nuon, mga importante silang tao. Kinuha ko ang menu na nasa table.
Bigla ko itong tinapon. Nagulat ako sa mga presyo. Grabe mahal na pala ang bilihin ngayon sa palengke. Isang order ng pagkain 500 na wala pang rice, ang isang basong juice 200 na pala ngayon. Grabe nagbaon nalang pala sana ako ng tubig.
"Hello madam, what's your order?" tanong sa akin ng babaeng waitress.
"Grabe..miss kelan pa nagmahal ang karne at gulay sa palengke?.Kahapon ng namalengke ako hindi pa naman ganun kamahal, bakit hindi ko alam na tumaas na pala ang bilihin ngayon, nanood naman ako ng balita kagabi ah?" saad ko sa waitress na nasa harapan ko. Bigla kong tinakpan ang bibig ko at nag peace sign. Tinignan naman ako ng waitress na parang nababaliw. Tumayo nalang ako at naglakad ng mabilis palabas ng canteen.

BINABASA MO ANG
CINDY RAYLA
AcakShe just wanted to have a simple life bilang scholar ng isang pang-mayaman na university at gusto niya ring makapagtapos ng pag-aaral para sa sarili niya dahil lumaki siyang walang magulang, lumaki siya sa puder ng kanyang tiyahin. That's all, yun l...