Natapos ang tatlong subject ko at break time na. Dahil mahal ang pagkain sa canteen ng school ay nagbabaon na ako ng biscuit at tubig na nilalagay ko sa isang tumbler para baunin araw araw.
Pumunta ako sa bench malapit sa soccer field para doon mag meryenda.
Nasa pangatlong subo na ako ng biscuit ng biglang may mang agaw non mula sa aking kamay.
Sisinghalan ko na sana kung sino mang nangahas na kumuha ng aking meryenda ng malingunan kong si Oras iyon na matalim na nakatitig sa akin.
"What are you doing here?" he ask.
"Hindi ba obvious?. Alangan namang matutulog ako dito?" saad ko sa kanya na with sarcasm pa.
"Ang talim talaga ng dila mo ano?. Anyway where is the contract that I gave you yesterday?"
"Andito dala ko. Wait nga ano yung nakalagay sa kontrata na bawal akong magsuot ng jologs na damit?" saad ko sa kanya.
"What do you mean jologs? What I am trying to imply is wear something appropriate when you are with me para hindi ka nagmumukhang stalker ko pag kasama kita."
Tinignan ko siya ng masama. Siya din lang naman yung sinabi ko pinaganda lang naman niya. At tsaka san naman ako kukuha ng appropriate na attire eh limited lang naman ang damit ko. Hindi na rin ako nakakabili ng mga damit dahil nagtitipid ako at baka sabihin nanaman ng tiyahin ko na pabigat lamang ako.
Umismid na lamang ako sa kanya at pinagpatuloy ang pagkain ng biscuit. Madaldal din pala itong si Oras.
"May kailangan ka ba sa akin kaya ka andito? Tsaka asan ang mga kaibigan mong bakulaw?" tinanaw ko na lamang ang field habang tinatanong iyon sa kanya.
"Nasa canteen, anyway I came here because I want to get your number para hindi abala sa akin ang paghahanap sayo."
Inabot niya sa akin ang cellphone niyang mamahalin.
"Wala akong cellphone dahil wala akong pambili tsaka magagalit lang yung tita ko pag gumagamit ako non." paliwanag ko sa kanya baka kasi magalit ito pag hindi ako nagpaliwanag.
"What!?" sigaw niya.
Magsasalita pa sana ako ng bigla siyang nagwalk out at naglakad palayo.
Tinanaw ko na lamang ito palayo at nagtaka sa kung anong problema ng Oras na iyon.
Natapos din ang klase ko sa maghapon ng hindi nakikita si Oras at ang mga kaibigan niya.
Naalala ko ang kontratang binigay niya sa akin. Siguro ilalagay ko na lamang ang mga kondisyon ko sa tatlong blankong inilaan niya sa akin. Hindi din naman ganun kadami ang mga kundisyon ko dahil yung mga iba gaya ng kissing are not allowed ay nilagay na niya. Pipirmahan na din niya ito para makapagsimula na siyang magtrabaho. Magpapanggap lang naman siya at tagasangga ng mga stalker niya.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para na rin magawa ang mga tungkulin ko sa bahay.
Papunta na akong school ng may humarang na kotse sa daraanan ko.
Aba lagi nalang bang haharangan ang dadaanan ko? At sino ba itong may- ari kita na nga lang na naglalakad ang tao eh sana bumusina na lamang siya.
Nakita kong bumaba ang bintana ng kotse. Nilapitan ko at dumukwang upang masilip kung sino man ang driver ng kotse. Nakita kong si Oras iyon na nakashade pa.
"Get in." saad ni Oras at tinanggal nito ang shade para makita ako.
Dali dali naman akong sumakay para tipid na din sa oras at pagod. Kinapalan ko na lamang ang mukha ko kahit na nakakainis pa rin ang paghaharang niya lagi sa daraanan ko.
"Later pag break time na pumunta ka sa private canteen namin. Doon tayo mag uusap ng mga bagay bagay. My friends will be there too para maging witness natin sa contract signing natin."
"Okay, no choice naman na ako eh." saad niya dito ng nakanguso. Hindi man lamang siya binigyan ng choice kung pipirma ba talaga siya which is actually pipirma nga siya pero still sigurado na itong pipirma siya.
Hindi na lamang ako umimik dahil nakaka intimidate ang presensiya niya ngayon. Siguro dahil sa way ng pagmamaneho niya. Seryoso itong nakatingin ng deretso sa kalsada at may halong galit sa kanyang tingin, para bang may kasalanan sa kanya ang kalsada kung makatingin o sadyang ganyan na talaga siya tumingin.
Tanaw ko na ang school at nakita kong madami na ding student na papasok mula sa gate.
Kinabahan ako dahil kasama ko si Oras. Sigurado akong pag tsitsismisan ako pag bumaba na ako sa kotse ni Oras.
Pinark niya na ang kotse niya sa parking lot at bubuksan ko na sana ang pintuan ng magsalita siya.
"I'll open the door for you so don't open it yet. We will start our deal today."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumabas siya at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Himala ata at gentleman siya. Maypagka bipolar din pala itong si Oras.

BINABASA MO ANG
CINDY RAYLA
DiversosShe just wanted to have a simple life bilang scholar ng isang pang-mayaman na university at gusto niya ring makapagtapos ng pag-aaral para sa sarili niya dahil lumaki siyang walang magulang, lumaki siya sa puder ng kanyang tiyahin. That's all, yun l...