Pagkatapos naming kumain ay umalis na din kami. Kakain lang naman pala kami kelangan pa talagang bihisan nila ako.
Sumakay ako sa kotse ni Oras sa may harap habang siya naman ay may inabot mula sa likod na upuan ng kanyang kotse.
Inabot niya sa akin iyon.
"Take this home and read.Kontrata natin iyan and please read it dahil pag uusapan natin iyan." saad nito sa kanya.
Kinuha ko iyon at tinignan.
"Wait...may mga conditions din kaya ako. Teka nga bakit meron ka na agad nito?"
"Turn to the last page may inilagay akong tatlong blangko doon. Doon mo nalang ilagay ang conditions na gusto mo but first basahin mo muna lahat ng conditions ko."
"Ha?Bakit tatlo lang?"
"Look just read that first and after that we are going to talk about your complaints. Hindi mo pa nga nababasa nagrereklamo ka na."
Tumingin siyang deretso sa mata ko habang sinasabi niya iyon. May kabaitan din pala siyang taglay kahit papano ngunit masungit pa din siya.
Hinatid niya ako sa tapat ng bahay ng tita ko.
Bigla akong kinabahan dahil late na akong umuwi, for sure masasabon nanaman ako ng galit ni tita.
Pumasok ako sa bahay at nakita ko si titang naka upo sa sofa at nanonood ng tv.
Lumingon siya sa akin at tinitigan ang ng ilang segundo. Pinagtaasan niya ako ng kilay.
"Oh bakit nakapustura ka ata?.Binebenta mo na ba ang katawan mo at ganyan ang suot mo?"
"Hindi po tita. May nag alok lang po ng trabaho."
Pumasok na ako sa bahay pagkatapos kong sagutin ang tanong niya.
"Abay buti naman at nang wala akong inaalalang gastos sayo no!" sigaw niya sa akin.
Hindi nalang ako umimik sa kanyang sinabi at umakyat sa second floor. Bago pa ako maka apak mula sa huling baitang ay sumigaw ang tiyahin ko sa baba.
"Hoy Cindy magluto ka na sa kusina!. Gutom na ako!"
Napabuntong hininga na lamang ako at binilisan ang pagpunta sa kwarto ko at nagbihis.
Inaantay kong maluto ang ulam at naglalapag na ng mga pinggan sa lamesa. Naisip ko ang offer sa akin ng masungit na Oras na iyon.
In the first place bakit kaya ako ang pinili ng lalaking iyon na maging pretending girlfriend niya?.
Why me?.there are too many girls in the school who are more willing and more beautiful than her so why me?
Hindi bale tatanungin ko nalang siya bukas.
"Luto na ba ang pagkain?. Nagugutom na ako."
Nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko ang aking tiyahin na nakapamaywang sa may malapit sa lamesa.
"Ah malapit na po tita."
Kinaumagahan maaga akong nagluto at nagbihis.
Papasok na ako sa school ng may tumapat na kotse sa harap ko.
Lalagpasan ko na sana ng biglang bumusina ng mahaba ito. Nagulat ako doon, tumingin ako sa paligid ko at nakita kong may mga student ding nagulat dahil doon.
Aba't bastos din pala ang driver ng kotseng ito ah. Hindi porket maganda ang kotse niya ay ipagmamayabang niya na ito
Sinilip ko kung sino ang driver ng kotse pero hindi ko makita ang loob dahil tinted ang bintana ng kotse.Tinitigan ko na lamang ang taong nasa loob ng masama.
Naglakad nalang ako papasok ng school at nakita kong pumasok na din ang kotse sa loob at nakita kong mabilis ang pagpapatakbo nito ng kotse at pabalang niya itong ipinark ang kotse niya sa parking lot.
Lumabas mula roon ang masungit na si Oras.
Nakakunot ang noo nito, tumingin siya sa may entrance na para bang may hinahanap.
Naglakad na lamang ako at tumuloy sa hallway ng school.
Nagulat ako ng may humigit sa akin mula sa likod. At nakita kong si Oras iyon.
Nakakunot ang noo nito at mukha siyang galit.
"Hindi ka manlang lumapit sa kotse ko. I was waiting for you to get inside para sabay na tayong pumasok." saad nito na nag aalab pa ang mata habang sinasabi iyon.
"Duh? Nasa gate na ako ng school so hindi na kailangang ihatid mo pa ako. Konting kembot nalang makakarating na din ako sa first class ko kaya bakit pa ako sasakay sayo?" sarcasm kong sagot sa kanya.
"I know I'm not that dumb like you."
Nilagpasan na lamang niya ako at nagtuloy tuloy siyang naglakad mula sa hallway.
Napaawang ang labi ko mula sa sinabi niya. Did he just say I'm dumb?.What the heck!

BINABASA MO ANG
CINDY RAYLA
DiversosShe just wanted to have a simple life bilang scholar ng isang pang-mayaman na university at gusto niya ring makapagtapos ng pag-aaral para sa sarili niya dahil lumaki siyang walang magulang, lumaki siya sa puder ng kanyang tiyahin. That's all, yun l...