Chapter Four

39 13 0
                                    

Hinila ako ni William patayo at pinapasok sa isang kwarto na halos lahat ay salamin. May isa ding pintuan sa may kanan ng kwarto at nakabukas iyon.

Naaninag ko na puro damit pambabae ang mga nanduon. Pina upo ako ni William sa isang upuan sa may harap ng salamin na may table pa.

"Wait here ok?"

Tumango nalamang ako at pinagmasdan ang reflection ko sa salamin.

Pagdaan ng ilang oras ay may pumasok na babae kasama si Zeddie. Pinagmasdan niya mula sa salamin ang babae. Maganda siya at may morenang kutis. Maganda din ang pananamit nito.

"Siya na ba iyon?" tanong ng babae kay Zeddie

"Yes Trish." bumaling naman sa akin si Zeddie. "She will assist you." pagkatapos sabihin iyon ni Zeddie ay lumabas na din ito.

"Hi so ikaw pala ang napili nila? I hope you can handle Time..." naglakad ito palapit sa akin at tinitigan ako mula sa salamin.

"Anyway konting ayos lang sa iyo pwede na." pinatayo niya ako at tinitigan mula ulo hanggang paa.

Pwede na?..what a word.

Pagkatapos niya akong tignan ay pumasok siya sa kwarto na nanduon. Pagbalik niya ay may hawak na siyang dress na sleeveless na kulay beige at backless.

"Here wear this." tinuro niya sa akin ang isang sulok ng kwarto na may kurtina.

Pumasok ako doon at nagbihis. Bago ako lumabas ay tinignan ko muna ang reflection ko sa salamin. Tinanggal ko ang sapatos ko tsaka ako lumabas.

Nakita kong nakatalikod siya sa akin at may kung anung tinitignan siya sa lamesa.

Umangat ang paningin niya at tumingin siya sa akin gamit ang salamin.

Ngumiti siya sandali at tinuro niya sa akin ang upuan.

"Come. Sit here."

Tinignan ko ang lamesa at nakita kong halos make up kit lahat iyon.

"Close your eyes and please don't open them until I say so ok?"

Tumango na lamang ako. Naramdaman kong nagsisimula na siyang maglagay ng kung ano sa mukha ko. Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas ng sabihin niyang pwede ko nang buksan ang mata ko.

Tinignan ko ang reflection ko sa salamin. Ibang iba ito sa itsura ko ng walang make up. Light lamang ang make up na inilagay niya sa akin pero parang hindi naman ako ang nakikita ko ngayon sa salamin.

Sinuklay niya ang buhok ko at nilugay lang iyon. Umalis siya saglit at nagpunta sa kwarto. Paglabas niya ay may hawak na siyang heels.

Nilapag niya sa harap ng paa ko iyon.

"Wear this."

Sinuot ko iyon, sa tantiya ko ay nasa 6 inches iyon.

"Halika na nag aantay na sila sa sala."

Sinabayan ko siya sa paglalakad. Nakarating kami sa sala at nakita kong kompleto pa rin sila doon. Nakita kong naglalaro ng video games sila Dj at William, si Zeddie naman ay kumakain ng pizza, at si Kenneth naman ay nakasandal sa sofa na nakapikit, habang si Oras naman ay nakatingin sa cellphone niya na mukhang naglalaro ata.

Derederetsong naglakad si Trish at umupo sa tabi ni Kenneth. Nagising ang huli at pinilig niya ang ulo niya sakto namang napatingin siya sa akin.

"Wow your beautiful!" saad niya agad at umupo siya ng tuwid.

Dahil sa lakas ng pagkakasabi niya ay napatingin silang lahat sa akin.

Uminit ang pisngi ko dahil ngayon lang ako matitigan ng ganito. Umangat naman ang tingin ni Oras at tinignan ako pataas pababa. Umiwas ito ng tingin.

"Ok na yan. Let's go"

Tumayo na si Oras at naglakad papuntang pintuan. Lumapit naman si Dj and William sa akin at hinawakan nila ang kamay kong magkabilaan.

"Such a gentlemen. Kayo na ang mga dakilang babaero!" pinalo pa ni Trish ang dalawa sa balikat bago naglakad.

Sumunod naman kami sa kanila.

Sinakay ako ng dalawa sa isang kotse kung saan sumakay kanina si Oras.

Nakita kong deretso lang na nakatingin si Oras sa harap habang hawak ang manibela ni hindi manlang siya sumulyap sa akin pagkaupo ko sa passenger seat.

Sinuot ko ang seatbelt ko at tumingin nalang sa bintana.

Hindi ko alam kung ilang minuto din kaming bumyahe dahil namalayan ko nalang na huminto kami sa isang mamahaling restaurant.

Binuksan ko ang pintuan ng kotse at lumabas na hindi ko na rin hinintay si Oras na pagbuksan ako dahil alam kong wala sa lahi niya ang gentlemen sickness.

Tumingin ako sa aking kanan at nakita kong palabas na din sa kaniya kaniyang sasakyan ang mga kaibigan niya.

"Let's get inside." nagulat pa ako ng magsalita si Oras na nasa tabi ko na pala ngayon.

Pinauna ko siyang maglakad at sumunod naman ako sa kanya nakita ko din sa gilid ng aking paningin na sumunod ang barkada ni Oras.

Nakita kong umupo sa isang upuan si Oras at dumeretso na din ako sa kanya. Umupo ako kaharap niya ngunit tinaasan lang niya ako ng kilay.

"Seat here." tinuro niya ang upuan sa tabi niya.

Tumayo naman ako at lumapit sa kanya. Inirapan ko na lamang siya at padabog na umupo sa tabi niya.

Nagsiupuan na din ang mga barkada niya at nakita kong tumabi naman sa akin si Kenneth.

"So what's the plan?" tanong agad ni Trish at tumingin pa isa isa sa kanila.

"Magpapanggap siya bilang girlfriend ko infront of my grandmother and my parents pati na rin sa mga babaeng umaaligid sa akin of course." sagot naman ni Oras sa kanya.

Huh? Sino naman kaya ang magpapanggap na girlfriend ng mokong na ito?

"So basically, Cindy here will be your shield to your fangirls ganon ba?"

Lumaki ang mata ko sa narinig ko at tumingin sa katabi kong si Oras.

"Ako shield? Teka bakit ako magprepretend na girlfriend mo? Wala akong natatandaang pumayag ako sa mga sinabi mo."

"I'll pay you alright?" iritang sagot niya sa akin at kinamot pa niya ang tenga niya.

"Bakit hindi mo sinabi agad?Kaw naman galit ka kaagad nagtatanong lang naman ako." ngumiti pa ako sa kanya. Aba hindi na ako tatanggi siya pang allowance ko yun at pambayad ko ng gagastusin sa school. Ayos pala to magprepretend lang ako may sweldo na.

CINDY RAYLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon