Umupo na lamang ako sa may bench sa garden ng school.Hindi ko alam kung nagsasayang ba nang pera ang mga estudyante dito o sadyang mahal lang ba talaga ang mga pagkain dito.
Inilabas ko ang sandwich na binaon ko kaninang umaga. Mabuti nalamang nagdala ako, pang meryenda ko sana ito mamayang alas tres dahil ang buong akala ko ay tag one hundred pesos lang ang pagkain dito yun naman pala ay mas mahal pa sa ineexpect ko.
Inubos ko ang aking sandwich sa apat na kagatan lamang dahil na rin sa pagod kong tumakbo kanina.
Tumungo na ako sa next class ko pagkatapos kong kumain.
Ako pa lamang ang andito sa classroom. Nakakita ako ng isang gatoride sa may bintana. Dahil na din sa uhaw ko ay binuksan ko iyon at ininom.
"What do you think your doing?"
Napatalon ako sa boses na narinig ko mula sa aking likuran.
Lumingon ako at nakita ko ang isang kaibigan ng lalaking nabangga ko kanina.
Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa gatorade na hawak ko.
"You drink my gatorade." saad niya na nakatingin pa din sa gatorade na hawak ko.
"I w-was j-ust cc-checking kung masarap..." bigla ko nalang nasabi dahil wala akong maidahilan sa kanya.Kinabahan din ako dahil baka ipakulong niya ako sa salang pagnanakaw ng gatorade.
Tinignan niya ako sa aking mata and he recognize me base on his expression.
"Your the girl tanga right." he said
"What!? tanga girl?..ah mali..girl tanga kamo?.Hindi ako tanga sadyang ayaw lang tumabi ng kaibigan mo habang dumadaan ako." pagdadahilan ko sa kanya.
Tinakpan ko ang aking bibig dahil sa aking sinabi.
Tumingin muna siya sa akin ng nakakaloko bago siya nagsalita.
"Anyway,.why are drinking my gatoride?.That's mine" sabi niya sa matigas na ingles.
Inabot ko sa kanya ang hawak kong gatorade.
"Oh sayo na, di naman pala masarap" sabi ko nalamang sa kanya.
Tinitigan niya ako ng malalim.Kinabahan ako dahil wala akong mabasang emosyon sa mukha niya.
Inabot niya ang kanyang kamay sa aking harapan. Tinignan ko ang kanyang kamay at inabot ang takip ng gatorade. Tinakpan niya ang gatorade na inabot ko kanina at muling inabot ang kanyang kamay. Shinake ko ang kanyang kamay.
He laughed.
"No.Pay for it." he said na tumatawa parin.
Nakita ko ang kaibigan niya sa gilid ng aking mata.Lumingon ako at nakita kong tumatawa ang dalawa pa niyang kaibigan habang ang isa naman ay ngumisi lang, nakita ko din ang nabangga ko kanina na walang expression katabi niyang isa pang ganun din ang expression.
Napansin ko na gwapo silang lahat at mukhang may lahi. Medyo malaki ang kanilang pangangatawan. Napansin ko din ang side ng leeg ng nabangga ko kanina na parang may sulat duon at napagtanto kong tattoo pala iyon.
Tumingin ako sa mata niya. Nakita ko siyang ngumisi sa akin na parang nais niyang iparating na lagot ako sa kanya.
"Patay."
Hinila ako ng lalaking may ari ng gatoride at pinaupo sa may malapit na upuan.
Lumapit din ang mga kaibigan niya sa kanya na ngayon ay nasa aking harapan na.
"Name?" saad ng lalaking nakabangga ko kanina sa hallway.
"What do you mean name?." sagot ko sa kanya.
"You are really stupid you know?.I will ask again one more time if you will not answer my question properly you will have to face the consequence.Again. Name?." sabi niya sa akin.Nakatingin siyang deretso sa aking mata at kinabahan ako sa tono ng kanyang pagsasalita.
"Cindy...What do you want from me?.Babayaran ko naman yung gatoride." pagdadahilan ko sa kanya. Yumuko nalamang ako at tinignan ang aking kamay dahil kinakabahan at naiinsecure ako sa tingin nilang anim sa akin. Tila ba inoobserbahan nila ang susunod kong gagawin.
"Your cute."
Tumingala ako para tignan kung sino ang nagsabi non.
Tinignan ko sila isa isa at nalaman kong yung isang lalaking tumatawa kanina ang nagsabi non.
"William." Inabot niya sa akin ang kanyang kamay.
Tinitigan ko ang kamay niyang nakalahad at inabot ko ang kamay ko. Nagulat nalang ako ng halikan niya ang likod ng palad ko.
"Thats my name baby." sabay kindat niya sa akin.
Hinila naman siya ng kasama niyang tumatawa kanina at kinuha ang kamay ko sa kanya.
"DJ short for Don Jasper." hinalikan niya din ang likod ng aking kamay at kumindat siya sa akin.
"Tama na yan mga gunggong!" saad naman ng lalaking may ari ng gatoride.
"What do you want from me?" tanong ko sa kanila dahil hindi ko mawari ang kanilang kinikilos.
Ngunit hindi nila ako pinansin at nagpatuloy sa pag uusap ang dalawang lalaking nagpakilala kanina sa akin bilang si William at DJ.
"Dude asan si Kenneth?" tanong ni DJ sa lalaking may hawak pa din ng gatoride na ininom ko kanina.
"Probably with some girls making out somewhere."sabad naman ng lalaking kanina pa tahimik sa tabi ng nakabangga ko kanina.
"So...?."
Nagulat ako ng bigla nalang nagsalita yung lalaking nakabangga ko kanina.
Lumapit siya sa akin at pinatong niya ang kanyang kamay sa likod ng upuang inuupuan ko.
"Cindy...will you be my girlfriend?."
Lumaki ang aking mata sa kanyang sinabi, bigla ding tumahimik ang mga kaibigan niya mula sa likuran niya.
"Dude are you serious?,siya ang kukunin mong maging girlfriend mo eh mukha siyang emotionally wreck." sabi ng lalaking may ari ng gatoride.
"So?,She can make it, she have to and besides may utang siya sa akin at pati na din sayo.Zedie train and tell her the basics, may pupuntahan pa ako." sabay talikod ng lalaking nakabangga ko kanina.
Nagsimula na siyang maglakad palabas ng room at nagkatinginan naman ang mga kaibigan niyang naiwan. Nagtitinginan sila na parang naiintindihan nila ang isat isa.
"Alright the almighty Time wants her, wala na tayong magagawa alam niyo naman kung paano yun pag hindi nasusunod ang gusto." saad naman ni William
Tumango nalang silang apat at sabay nang umalis na ang tatlo. Naiwan nalang ang lalaking tahimik na Zedie daw ang pangalan.
"You have your class right?.Anung oras ka matatapos?."
Napalundag ako ng bigla siyang magsalita mula sa gilid ko. Sumulyap ako sa kanya at nakita kong nakatitig siya sa akin. Namilog ang aking mata dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin, malalim siyang tumitig.
"Y...Yup.M....Mga 4 wala na akong klase." sabi ko sa kanya habang pinipisil ko ang aking daliri sa kaba.
"Pagkatapos ng klase mo be ready susunduin kita."
Umalis na siya pagkatapos niya iyong sabihin habang ako ay nanatiling nakaupo at prinoseso lahat ng kanilang sinabi.

BINABASA MO ANG
CINDY RAYLA
RastgeleShe just wanted to have a simple life bilang scholar ng isang pang-mayaman na university at gusto niya ring makapagtapos ng pag-aaral para sa sarili niya dahil lumaki siyang walang magulang, lumaki siya sa puder ng kanyang tiyahin. That's all, yun l...