Filipino Jokes 2

1.5K 28 6
                                    

May bata sa isang paaralan.

Strikto ang kanilang guro, english-speaking zone ang classroom nila. Hindi marunong mag-English ang bata.

Isang araw, habang nagkaklase sila, may naramdaman ang bata. Hindi niya mapigilan. Ano kaya ang gagawin niya? Hindi siya marunong mag-English

Nagtaas siya ng kamay.

"Maam, pwede po ba akong lumabas?"

Hindi sumagot ang guro. Gusto niyang matutong mag-English ang kanyang estudyante.

Nag-isip ng malalim ang bata.

Sabi niya sa sarili, wala si Tata. Wala ang aking ina. Ako lang ang naririto.

May naisip na paraan ang bata.

Nagtaas siya ng kamay. Mataas na mataas, yung parang mamamatay siya 'pag 'di siya tinawag.

Nakita iyon ng guro. Napangiti ang guro dahil nalaman na ng kanyang estudyante ang sasabihin.

Tinawag niya ang bata.

"FATHER-MOTHER-I!!" sigaw ng bata at sabay labas papuntang CR.

Nagtaka ang guro. Inisip niya bakit sinabi niya 'yon.

Matapos ang 10 minuto bumalik ang bata. Hindi na sila nag-English, alam ng guro walang pupuntahan ang usapan 'pag nag-English sila.

"Alam kong natatae ka. Pero bakit Father-Mother-I ang pinaalam mo sa akin?" tanong ng guro.

"Maam, FATHER ay Tata. MOTHER ay Ina. I ay Ako. 'Pag pinagsama mo, Tata-Ina-Ako. Tatai Na Ako."

Vote!

Filipino JokesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon