Filipino Jokes 14

902 22 0
                                    

May assignment si Julio. Hindi niya alam ang sagot kaya...

Tinanong niya ang nanay niya.

Julio: Nay, ano po ang sagot sa Number 1?

Nanay: Buwisit ka! Hindi mo nanaman inayos ang higaan mo!!

Sinulat niya yon.

Tinanong niya ang ang kuya niya.

Julio: Kuya, ano po ang sagot sa Number 2?

Natatae ang kuya niya.

Kuya: Tabi! Dadalhin ko to sa banketa! Taeng-tae na ako!

Sinulat niya yon.

Tinanong niya ang ate niya.

Julio: Ate! Ano ang sagot sa number 3?

Kumakanta ang ate niya.

Ate: Dahil mahal kita..

Sinulat niya yon.

Nakita niya ang kuya niya na bakla.

Julio: Kuya! Ano sagot sa number 4?

Paalis na yung kuya niya na bakla.

Kuya na bakla: Tara, tara, alis na tayo!

Sinulat niya yon.

Nakita niya ang tatay niya.

Julio: Tay! Ano po ang sagot sa number 5?

Ginagaya ng tatay ang pinapanood sa TV.

Tatay: Tandaan mo! Isang bala ka lang! BOOM!

Sinulat niya yon.

Masaya si Julio. Natapos na niya sa wakas ang kanyang assignment.

Pagpasok niya kinabukasan...

Guro: Sino ang gustong sabihin ang kanyang mga sagot sa harap?

Agad taas kamay si Niña at Julio.

Guro: Julio, pumunta ka sa harapan.

Masayang-masaya si Julio. Ang mga kamag-anak niya ang sumagot sa kanyang assignment.

Guro: Ano ang sagot mo sa Number 1?

Julio: Buwisit ka! Hindi mo nanaman inayos ang higaan mo!!

Guro: Ano ang pinagsasabi mo Hulio? Saan mo galing yan?

Julio: Tabi! Dadalhin ko to sa banketa! Taeng-tae na ako!

Guro: Bakit mo ginagawa sa akin to?

Julio: Dahil mahal kita...

Guro: Punta na tayo sa principal's office!!

Julio: Tara, tara! Alis na tayo!

Guro: YOU ARE SUSPENDED MR. SINONG!

Julio: Tandaan mo! Isang bala ka lang! BOOM!

Vote!

Filipino JokesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon