Filipino Jokes 42

580 9 0
                                    

Isang araw sa Amerika, nagpagupit ang tindero ng bulaklak sa isang barberya. Pagkatapos niyang magupitan, nagbayad siya pero hindi ito tinanggap ng barbero. "Thank you, but I don't accept payments... This is community service" sabi ng barbero. Natuwa ang tindero at nilisan ang shop. Noong sumunod na araw pagbukas ng barberya, nakita ng barbero sa pintuan ang Thank You note at isang dosenang bulaklak.

Noong araw ding yon, isang pulis naman ang nagpagupit, pero hindi rin tinanggap ng barbero ang bayad nito. "Thank you, but I don't accept payments... This is community service" sabi ng barbero. Natuwa ang pulis at nilisan ang shop. Noong sumunod na araw pagbukas ng barberya, nakita ng barbero sa pintuan ang Thank You note at isang dosenang donut.

Isang Pilipinong software engineer ang nagpagupit nung araw na yon. Gaya ng dati, hindi rin tinanggap ng barbero ang bayad nito. "Thank you, but I don't accept payments... This is community service" sabi ng barbero. Natuwa ang Pilipinong software engineer at umalis na sa shop. Pagdating ng barbero sa shop kinabukasan, nakita niya sa pintuan ang isang dosenang Pilipino na naghihintay ng libreng gupit.

Vote!

Filipino JokesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon