Guro: Ngayong araw, gagawa kayo ng proyekto sa asignatura (subject sa English) ko. Una, mag-isip kayo ng isang "fact" na tungkol sa mga member ng school faculty o school mates ninyo. Isulat ng malaking-malaki sa 1/2 illustration board na gamit ang pentel pen na black.
Nag-isip ang mga estudyante ng guro, at 10 minuto ang dumaan ay natapos na ang lahat. Ipinasa nila lahat sa guro ngunit hindi nakita ng guro ang mga proyekto.
Guro: May sinabi ang principal. Lahat ng inyong isinulat ay ipapakita sa mga Grade 1 para mapasaya niyo sila.
Nanginig si Hulio. Napatawa si Niña.
Nagsimula ang principal ng programa at isa-isang ipinakita. Sa buong programa, tiningnan lamang ni Hulio ang sobrang makapal na labi ng principal.
Nang yung kay Niña na..
Principal: Eto ay ang kay Niña Selizar. "Walang kwenta ang sinasabi ni Hulio!"
Tumawa ang mga Grade 1, napahiya si Hulio.
Principal: Eto namang ito ay kay Hulio Sinong. "Alam mo ba? Kasing kapal ng labi ng principal ang labi ng isang ape?"
Nainis ang principal sa nabasa niya.
Vote!
BINABASA MO ANG
Filipino Jokes
HumorPilipino ka ba? Huwag mong ikahiya. Alam mo ang Pilipino, mahilig magbiro. Gusto mo pa ba? Nakikita mo na ang hinahanap mo. Anong hinihintay mo? Basa na!