Filipino Jokes 3

1.4K 21 1
                                    

Julio: Oi! Mayroon akong ipa-pasolve sa iyo! Kaya mo ba?

Gino: Oo naman! Ako pa, ako kaya ang Top 1 last year!

Julio: O sige. May isang kalbong babae. Lahat ng kanyang gamit ay dilaw. Isang araw, naisipan niyang bumili ng bagong gamit at magpakulay ng dilaw ang buhok. Nagsuot siya ng dilaw na dress, dilaw na lipstick, dilaw na high heels at dilaw na bag. Sumakay siya sa isang dilaw na tricycle na ang driver ay pawang naka dilaw na t-shirt at dilaw na tsinelas. Pumunta siya sa dilaw na mall. Binayaran niya ang driver ng 500 (dilaw 'yun e!) at nag-"Keep the change!" pa. Isang oras ang dumaan, umuwi na siya. May nakita siyang dilaw na bus at sumakay. Umuwi siya sa dilaw niyang bahay. May kumalat na kasabihan na walang bagay na hindi dilaw na ginagamit ng babae. Naligo siya, nagpagupit siya ng buhok. Gumamit ng dilaw na sabon, dilaw na tabo, at umihi sa dilaw na toilet. Kumuha siya ng dilaw na tuwalya at lumabas. May nakita siyang kulay BERDE na suklay. Hindi niya kinuha. BAKIT HINDI KINUHA NG BABAE ANG SUKLAY?

Gino: Malamang, hindi DILAW.

Julio: Mali! Kalbo ang babae 'diba? Bakit siya magsusuklay? Kala ko ba matalino ka!

Vote!

Filipino JokesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon