Chapter 1

53 8 2
                                    

Alexa Jade Cruz

"Come on, Lexie. Kaya mo 'yan. Isa lang naman itong meet up with your batchmates eh. Relax, okay?"

Pagkausap ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ko ang repleksyon ko sa salamin. Gaah! Ano bang nangyayari sa akin?

A day before sobrang excited ako dahil makikilala ko na ang iba sa kanila at magiging friends pero bakit kung kailang ka-orasan na, kinakabahan naman ako?

"Inhale... exhale..." Okay! Kaya ko ito. Nandoon naman ang bestie ko eh. Alam kong hindi niya ako iiwan na mag-isa dun.

Eh paano pala kung walang lumapit dahil sa kanya? Kakatakot pa naman si bestie! Bigla ko iyong naisip. Aish! Basta hindi ako hihiwalay sa kanya. Isa pa, wala akong sense of direction. Malaki pa naman ang Morgan Village.

Beeep!.... Beeeeeeeeeep!

Yas! Ayan na ang sundo ko. Hahaha! Si bestie yan panigurado. Masyado kasing mainipin eh. Kaka-busina pa lang eh sinundan na kaagad ng sobrang haba. Psh!

Agad kong kinuha ang bag ko at sumilip muna ulit sa salamin. Maayos naman ang damit ko. Kumpleto naman. Nacheck ko na naman kagabi ang bag ko at nandoon na lahat ng kailangan ko para ngayon at bukas.

Three days kasi kami doon sa village para na din sa briefing and basic training namin. Preparation daw iyon bago kami makapasok sa academy.

Beeeeeeeeep! Beeeeeeeep! Beeeeeeeep!

Napatakbo ako pababa dahil mukhang malapit ng sumabog sa inis ang aking oh-so-cold na bestie. Hala! Baka kapag nainis iyon ay iwanan niya akong mag-isa doon. Ayokong mangyari yun no!

"Ma! Aalis na po ako! See you in three days!" Sigaw ko bago ako lumabas ng tuluyan sa bahay namin.

Agad kong nakita ang sasakyan ni bestie. Nakabukas na ang pinto ng shot gun seat kaya naman kita ko ang nakabusangot niyang mukha. Waaah! Patay talaga ako neto.

"Good morning, Belle!" Wagas na ngiting bati ko sa kanya pagkapasok ko sa sasakyan. Sinamaan niya naman ako ng tingin kaya ilang beses akong napalunok. Ugh!

"You know how much I hate waiting, Alexa." Pagkasabi niya noon ay bigla niyang pinasibad ang sasakyan kaya naman napakapit pa ako ng mabuti. Hindi ko pa kaya naaayos ang seatbelt ko!

"Dahan dahan naman, bestie. Gusto mo na bang mamatay? Mauna ka na huwag mo akong idamay." Medyo inis pero may halong pang-aasar na sabi ko sa kanya. Inayos ko naman na ang seatbelt ko at sinilip ang rear view mirror para matingnan kung hindi naman nahulog ang gamit ko.

"Hindi mo ba alam na late na tayo?" Dahil sa sinabi niyang iyon ay agad kong tiningnan ang wrist watch ko at-

"Damn! Bakit hindi ko napansin?! Lagot tayo kay Mr. Rufus!" Nagpapanic kong sabi sa kanya.

Gaaah! Sobrang terror pa naman ng lalaking iyon! Malate lang ng isang segundo may parusa na kaagad. Jusme! Napaka strikto. Kaya naman yata wala siyang asawa eh! Amp! Ang bad ko ata ngayon?

"It's your fault!" Sigaw ni Belle kaya ayun, napatahimik ako.

Aaw! Galit na talaga si bestie. Paano ko kaya yan paaamuhin? Wala pa naman akong dalang chocolate ngayon. Inubos niya kasi yung supply sa bahay kagabi. Masira sana ang ngipin niya! Psh!

Ay oo nga pala, hindi pa nga pala ako nagpapakilala sa inyo. Ako nga pala si Alexa Jade Cruz at kabilang ako sa High Class. Hindi nga pala ako isang tao. Isa akong Morganian, mga nilalang na nagtataglay ng ability o kaya naman ay mahika. Kaparehas lang naming ng edad ng mga tao kaya nasa 20s na kami. Ako 21 na tapos si bestie ay 20. Mas matanda ako sa kanya ng anim na buwan.

Morgan World: Discovering the LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon