Chapter 3

26 7 0
                                    

Ysabelle Dayton

Waaaah! Tanghali na akong nagising! Hindi man lang ako naisip ni Lexie! *pout*

Aish! Asan na ba iyong doraemon kong tshirt? Favorite ko yun kaya dapat andito yun eh. Naman ih! Gusto ko yung isuot.

"Isay, bilisan mo na. Malapit na ang call time." Sabi ng kararating lang na si Lexie. Humarap ako sa kanya na mangiyak ngiyak na.

"Yung doraemon ko~~" sumbong ko sa kanya. Para naman itong nataranta at lumapit sa akin.

"Ay hindi yun pwede Isay. Required ang white shirt ngayon eh." Pag-aalo nito. Napaupo nalang ako sa kama.

Ang daya naman! Bakit kailangan na ganoon? Gusto ko pa naman eh kulay blue. Nagtataka nga ako kasi puro black and red yung mga damit ko dito. Siguro siya na naman ang naghanda ng damit ko.

"Oh heto na lang ang isuot mo. Bilisan mong maligo, okay?" Bilin nito kaya napatango ako.

Nanlulumong nagtungo ako sa banyo para magshower. Mamaya bibili ako ng mga damit. Madami naman akong baon na enchantment eh. Hindi naman nabawasan iyong five hundred ko kahapon kaya tiyak na makakabili ako ng ilan.

Habang nagbibihis ay naalala ko iyong kwintas na binili kahapon ni Lexie. Yay! Pareho nga pala kaming meron. Iyon na lang ang friendship necklace namin!

"Lexieeeeeeeee!" Sigaw ko habang isinusuot iyong kwintas. Hinding hindi ko ito tatanggalin sa katawan ko.

"Anong nangyari? Bakit ka sumigaw?!" Natatarantang tanong nito habang sunod sunod ang ginawang pagkatok. Binuksan ko na iyong pinto at nakita ko siyang alalang alala.

"Yiieeeh! Nag-aalala sa akin si bestie!" Pang-aasar ko sa kanya habang timutusok tusok ko ang tagiliran niya.

"Shut up, Isay. Halika na nga!" Singhal nito. Wahahaha! Kahit kailan pikon itong si Lexie.

"Binibiro ka lang eh. Tingnan mo ito." Inilabas ko iyong kwintas na suot ko at pinakita sa kanya.

"Oh? Anong meron diyan?" Hmp! Sungit niya naman!

"Dapat lagi mong suot yung sayo ah. Kapag inalis mo yung sayo magagalit ako." Imporma ko sa kanya. Umaliwalas naman ang mukha niya sa sinabi ko tapos inilabas niya din ang kanya.

"Kahapon ko pa itong suot." Tapos nginitian niya ako.

Napayakap naman tuloy ako sa kanya ng mahigpit na ikinatuwa niya. Mahal na mahal ko talaga ang bestie ko.

----

Nandito ulit kami sa Dragon Lair at grabe! Sobrang nakakapagod ang ginawang pagpunta namin dito! Ipakain ko sila sa palaka eh.

Pagkakain kasi namin, pinagpahinga nila kami. Tapos pinapila ang bawat cluster. Paunahan daw makarating sa hall eh sa kabilang ibayo pa iyon ng village dahil nandito nga kami sa camp site na nasa gubatan.

Sayang iyong kinain namin! Pinag-hunger games lang nila kami. Hah! Buti na lang may nadala akong chocolate dito. Hihihi.

"Bestie, gusto mo?" Nakangiting alok ko sa kanya. Umiling naman ito at ginulo ang buhok ko.

Morgan World: Discovering the LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon