Chapter 9

17 5 0
                                    

Alexa Jade Cruz

Three weeks had passed and she's still unconscious. She told me na babalik siya after two weeks yet, she's there at the palace, lying comfortably on a soft bed at her chamber.

Marami na siyang na-miss na gawain at mga events sa buhay naming magkakabarkada. May nadagdag pa nga sa grupo dahil may nanliligaw kay Lorie na isang Telepath. Si Rayah at Dereck naman pareho pa ding in denial sa isa't isa. Sila Cloud at Hailey, ayun. Hindi ngayon magkasundo dahil sa hindi ko alam na bagay.

And there's someone na mas lumala ang pagiging tahimik simula noong mangyari ang pagsagip ni Belle kay Princess Giselle. And that was Blake. Mas madalas din itong wala sa klase at hindi namin alam kung nasaan siya. Tapos kapag bumibisita kami kay Belle, halos hindi na siya matulog dahil nakabantay lang ito sa kanya. Naiisip ko tuloy na may gusto siya sa best friend ko.

Also, I discovered something when I talked to my spirit. It is about who I really am. Gusto kong malaman niya ang natuklasan ko kahit pa pinagbabawalan ako ng spirit ko na huwag sabihin sa iba ang tungkol sa sinabi niya sa akin.

"Lets go?" pagyayakag ni Rayah sa amin.

Papunta kami ngayon sa Light Palace upang bisitahin ulit si Belle. Doon pa rin ang misyon I mean trabaho namin hangga't hindi pa nagigising ang sleeping beauty namin.

Maayos na nga pala ang lagay ni little princess. Masigla na ito at nakikipaglaro na din sa ibang mga Morganian na naroon sa palasyo. Napagkasunduan naman ng lahat na hindi na ito ipadala sa Droid upang mag-aral dahil ayaw nilang maulit ang nangyaring iyon.

Sobra ang pasasalamat ng hari sa ginawang iyon ni Belle. Kasapi na nga rin pala kami ng secret organization ni Lorie. Tungkulin namin na protektahan ang lahat ng dugong bughaw na makikilala namin. Hindi ko pa alam kung magiging miyembro din si Belle dahil hindi pa niya nakakausap ang hari.

Malaking tulong sa amin ni Lorie ang misyong iyon dahil malaki ang sweldo namin. Every week ay makakatanggap kami ng 1,500 enchantment bukod pa ang sweldo namin sa pagiging chambermaid sa palasyo na 700 enchantment.

Noong wednesday nga pala ay ipinadala kami sa isang bayan malapit sa academy upang hulihin ang mga nakakalat na miyembro ng Dark Kingdom na naghahasik ng kaguluhan doon. Malaking pera din ang natanggap namin sa misyon na iyon na ibinigay ng Council.

"Alexa Jade Cruz! Nandito na po tayo. Hello?" Natauhan ako sa pagsigaw na iyon ni Lorie at ang pagpitik niya sa noo ko. Aish! Masakit kaya.

"That hurts, Lor." Angal ko sa kanya at bumaba na sa kalesa.

Nauna na pala sila Rayah sa loob dahil gusto na nilang makita kung gising na ba si Belle. Miss na daw kasi nila ang mga tingin nitong nakakatakot dahil sa mga mata nito. Mga baliw sila. Kung alam lang nila ang tunay na kulay ng mata nito, mas matatakot pa sila.

Sumunod na kami ni Lorie. May ilan kaming nakakasalubong na nagsisilbi sa palasyo ngunit hindi na namin sila pinansin. Wala naman akong pakialam sa kanila sa ngayon dahil ang best friend ko lang ang inaalala ko.

"Ate Lexie!" Sigaw ng isang bata na patakbong pumunta sa akin. Kinarga ko naman ito at hinalikan sa pisngi.

"How are you, little princess? You missed me, huh?" Pang-aasar ko sa kanya habang pinupupog ng halik ang buong mukha niya. Gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko siyang umagik-ik.

Ibinaba ko na siya at tumakbo naman ito palapit kay Blake at nagpakalong. Nakaupo kasi ito sa kama na hinihigaan ni Belle ngayon. Lumapit ako sa kama at naupo sa silya sa tabi nito.

Morgan World: Discovering the LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon