Chapter 4

26 6 0
                                    

Third Person PoV

Last day na ng three-day preparation and entrance examination ng mga incoming freshmen sa Lancelot Academy. Handa na ang lahat para sa individual evaluation which will determine their Level when they enter the academy.

Ito din ang magsisilbing basehan ng mga Royals na dadalo kung may itataas ba sila patungo sa kasunod na Class kung sakaling may mapili sila na karapat-dapat.

Bilang magiging ganap na Morganian, magkakaroon na sila ng pagkakataon na makaalis sa kanilang Class kung nasa mababang Class sila. At depende nga iyon sa kanilang ipapakita sa evaluation. Ngunit maaari pa din silang manatili sa Class na minana nila sa kanilang mga magulang.

Kumpleto na ang lahat sa loob ng Dragon Lair. Nakaayos na din ito dahil may barrier nang nagsisilbing proteksyon upang hindi maapektuhan ang mga manonood.

Makikita sa lahat ang kagustuhan at hangarin na makapasa sa evaluation na iyon. May kanya kanya silang plano kung paano nila ipapakita ang kakayahang taglay.

Ngunit kapansin-pansin ang isang dalaga na kanina pang naglalaro ng isang energy ball mula sa kanyang mga palad. Para itong bata na hinahabol ng tingin ang tumatalbog na bola.

"Ang kasunod na magtatanghal, Ysabelle Dayton." Pag-aanunsiyo ng MC.

May ilang nagpalinga-linga sa kung saan upang mahanap ang tinawag na babae. Habang ang isang dalaga naman na kataning nagngangalang Alexa ay mukhang sasabog na sa inis dahil hindi namamansin ang katabi.

"Sht, Isay! Ikaw na ang magtatanghal. Bumaba ka na doon!" Sigaw nito sa kaibigan at sa kabutihang palad ay pinansin na ito ng babaeng naglalaro ng bola.

Tumayo na ito habang inihahagis pa din ang bola tapos sasaluhin ulit. Dahil sa ginagawa ay nakuha na nito ang atensiyon ng lahat maging ng mga Royals na nanonood.

Nagtungo ito sa gitnang bahagi ng hall na iyon. Sinenyasan ang babae na magsimula na kaya't pinaglaho na nito ang energy ball.

Humawak ito sa lupa at pumikit. Tila pinapakiramdaman ang nandoroon sa ilalim niyon. At nagulat naman ang lahat sa kasunod na hakbang na ginawa nito.

"Gate of Hell" mahinang sambit nito ngunit ng dahil sa mikroponong nasa loob ay narinig iyon ng lahat..

Bumuka ang lupa at lumabas ang isang napakalaking halimaw na nasa sampung talampakan. Naalarma naman ang lahat lalo na ang mga kawal na kasama ng mga Royals dahil hindi lingid sa kaalaman nila na kaya nitong sirain ang ginawa nilang barrier. Hindi kasi iyon ganoong katibay para sa ganyang klase ng laban.

Ngunit pinigilan iyon ng Hari ng Light Kingdom. Wala namang nagawa ang lahat dahil ito ang nagtataglay ng pinakamataas na katungkulan sa buong Morgan World.

Nangibabaw ang malakas na ungol ng halimaw sa lugar na iyon. Marami ang nahintakutan dahil doon. At ang ilan naman ay naguguluhan dahil ilan lamang na Morganian ang may kakayahang makapagbukas ng pintuan ng impyerno.

Kumumpas naman ang kamay ng babaeng kaharap ng halimaw habang may sinasambit na mga kataga. Ang kumpas na iyon ay gumawa ng magic circle sa itaas ng halimaw at sa isang iglap ay umamo iyon na parang tuta.

Ngunit hindi pa doon nagtatapos ang lahat. Pumalakpak ang dalaga na naging sanhi upang maging isang napakagandang ibon ng halimaw na iyon. Lumipad ito at lumapag sa daliri ng dalaga. Humarap na ito sa Council at Royals at nagbow.

---

Alexa Jade Cruz

How the hell did just happen?!

Morgan World: Discovering the LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon