Chapter 7

18 6 0
                                    

Alexa Jade Cruz

Napatigil kami sa pag-uusap nila Hailey noong itinaas ni Belle ang kamay niya. Sinensyasan naman niya ako at nakuha iyon. Maybe may nararamdaman siyang prisensya sa loob ng bahay.

Hinila ko na sila palayo sa bahay pero sapat pa rin naman para marinig namin ang nangyayari. Nakatago kasi kami at ayokong sumilip doon. Tiningnan ko sila at-shems! Nasaan iyong scary guy na iyon?

"Mamita?! Levi!"

Narinig kong pagsigaw na iyon ni Belle kaya naman niyakag ko na sila sa bahay. Safe naman pala ang nga nanghimasok doon eh. Pero paano nga ba sila nakapasok eh kakaiba kaya ang susi dito? Nevermind. Ang mahalaga nandito sila.

"So who is this handsome guy here, honey? Your boyfriend?" Narinig ko ang pang-asar na boses ni tita pagkapasok namin at nagulat ako dahil prenteng nakaupo si Blake ata iyon.

Si Belle naman ay nag-uusok na ang ilong at tenga dahil ang pinakaayaw niya talaga ay ang mga walang manners. Idagdag mo pa ang tanong na iyon ni tita. Lumapit na ako kay Belle at pasimpleng kinurot sa tagiliran niya.

"Hi tita. They are our new friends. Next to throne Royals." Singit ko sa usapan nila at itinuro sila Rayah.

"Hello po Mommy ni Ysabelle!" Magiliw na bati ni Hailey. Natutuwa ako sa kanya dahil naha-handle niya ang pagiging next to throne niya.

"Call me Tita YngridUpo kayo. Mabuti na lang at madami akong nadalang pagkainMagmiryenda muna kayo." Anyaya ni tita sa kanila tapos dumiretso na doon sa kitchen namin.

Kami naman ay nagsi-upo dito sa living area. Mabuti na lang at kasya kami dito. Huwag lang nilang maiisipan na magover night dito dahil wala talaga silang matutulugan.

"Ang ganda naman ng naisip niyong bahay, Alexa. Nakakarelax dito." Komento ni Rayah habang nililibot ng tingin ang buong bahay. Napangiti naman ako dahil doon.

"At unique pa. A great architectural design, indeed." Dagdag ni Cloud.

"Thanks guys. Kami ni Belle ang nag-isip nito pero sila Jake talaga ang naglagay ng finishing touch kaya maganda talaga." Sabi ko sa kanila.

Tumayo naman ako ng makita kong nahihirapan si tita sa pagdadala ng tray ng inumin. Kinuha ko iyon sa kanya para matulungan siya.

"SalamatKunin ko lang ang cookies at yung cake." Tumango lang ako at inilapag na sa mesita ang tray.

Napansin kong wala si Belle kaya naman nagpaalam ako saglit. Nakita ko siya sa labas na inaayos ang cage ni Levi. Mabuti na lang at nadala iyon ni Tita pero hindi kasama ang stand niyon kaya eto at sinasabit niya na lang.

Tumabi ako sa kanya at tinulungan ko sa pag-aayos ng cage. Nasa may lilim ito ng sanga nitong bahay namin.

"Try to make friends with them. Wala namang mawawala." Basag ko sa katahimikan naming dalawa. Naramdaman kong tumingin aiya sa akin pero hindi ko siya nilingon.

"I plan to go to castle this Saturday. You can come if you want." Pag-iiba nito sa topic na sinimulan ko. I just sighed.

"Girls, I'm going. Samahan niyo ang mga bisita niyo dito sa loob." Pareho kaming napalingin kay tita na ngayon ay nakaayos na. Mukhang bumisita lang talaga siya para magdala ng pagkain.

Morgan World: Discovering the LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon