CHAPTER 5.5

88 1 0
                                    

(SKYE POV)

Nakita niya si Winter kasama ang mga kaibigan nito na naglalakad suot yung black na tube dress. Simple yet Beautiful, he thought. Naemphasize lalo ang sexiness at flawless complexion nito. He looked at her face. Tumigil ang tingin niya sa mga labi nito. May sinabi ata si Carlota kaya biglang ngumiti ito. She got a nice smile. GoD! He wanted to taste her lips. Natulala na lang siya. He's not in his self lately. Ibinaling niya ang atensyon sa babaing kasama niya at bumulong ng sweet nothings. Kanina lang niya to nakilala. He can't even remember her name. 

Then he heard the voice of Winter, "Bitiwan mo nga ako!" he looked at his friends, natigil din ang mga ito sa ginagawa at tumingin sa nangyayare. Nang hindi pa binitiwan nung lalaki yung mga braso ni Winter ay biglang parang may sariling isip ang mga paa niya at naglakad papalapit sa mga ito. 

"Bitiwan mo nga daw kasi siya, hindi mo ba narinig?" sabi niya. Nag iinit na siya. Naasar siya sa hilatsa ng pagmumukha ng lalaking nasa harap niya. Tumingin sa kanya si Winter. Nasalubong niya ang mga mata nito. So innocent. He felt like drowning in her eyes. May naligalig sa buong pagkatao niya habang nakatingin dito. Naramdaman niyang lumapit na din ang mga kaibigan niya. Umalis naman na yung lalaking nang haharass kay Winter. Hindi niya maalis ang tingin dito. Wala siyang maapuhap na sabihin nung nagpasalamat ito sakanya kaya tumango na lang siya. He needed to calm his self, he thought. 

There'something wrong with him. Nakinig niyang magsasalita pa sana si Winter pero tumalikod na siya at bumalik sa pwesto niya. Nakitang niyang lumapit naman ito sa mga kaibigan niya at nagpasalamat sa mga ito. 

Tinanong pa ito ni Keith kung may boyfriend na daw ito. "Wala daw." "Sa ganda mong yan, wala?" sabi ni Dwight. Napatingin ako kay Winter. 

"Wala e, ewan ko ba, walang magkakamali e." tumatawang sagot nito. "Kami na lang boyfriend mo, gusto mo? tawagan mo lang kami kung kailangan mo ng tulong." nakangiting sabi ni Clyde na dumidistansya sa kaibigan ni Winter na si Carlota na kanina pa malagkit ang mga tingin dito.

Nagpaalam na paalis si Winter at mga kaibigan nito. Sinundan niya ito ng tingin. Alam niya ang nangyayare sakanya. Naliligalig ang buong pagkatao niya kapag nasa malapit lang si Winter. Hindi pa siya handang magmahal ulit. Hindi pa niya kaya. Masyado pang magulo ang pagkatao niya. Sa tingin niya, ang mga tipo ni Winter ay for keeps. Hindi pa siya ulit handa dun. Baka masaktan lang niya ito sa bandang huli.  

"Bro," pukaw sa kanya ni Keith. 

Tumingin siya sa mga ito.

"What's with you? tinamaan ka ba talaga kay Winter o ano?" sabi ni Clyde.

"Wala pa akong panahon sa pagseseryoso. Alam niyo yan." sagot niya. Ang mga ito ang kasama niya nung down siya. Ang mga kainuman niya nung naglalabas siya ng sama ng loob.

"Bro, iniisip mo pa din ba si Monette?" napaisip siya sa sinabi ni Keith. Hindi niya alam sa sarili niya. May mga pagkakataong hindi na pumapasok sa isip niya si Monette. Pero kapag minsan ay naaalala niya ito lalo na kapag may nakikita siyang mga bagay na nakapag papaalala dito. Masakit pa din sa kanya lalo na nung naaalala niya yung huling pag uusap nila. 

Hindi nga niya alam noon na paalis na pala ito ng bansa kung wala pang nakapagsabi sa mga kaibigan niya at sinabi sa kanya. May offer daw kasi dito yung organization nito sa theater act na sumali sa prestigious group sa ibang bansa. Kinompronta niya ito. Hinintay niya munang matapos ito sa pagpapraktis ng play.

"Babe, I love you, you know that." lumuluhang sabi sa kanya ni Monette. "Pero para sa akin din naman ito. Intindihin mo naman ako. Matagal ko ng pangarap ito." nakikiusap na sabi ni Monette.

 

Hindi siya makapagsalita. Tumulo na lang mga luha niya. Masakit pala talaga kapag sa mismong bibig na ng mahal mo marinig ang katotohanan. Tumingin siya dito. "Ako, hindi mo rin ba naintindihan mararamdaman ko? Ako pa talaga ang huling nakaalam na paalis ka na pala? Kung wala pang nakapag sabi sa mga kaibigan ko ay hindi ko pa malalaman? Ganun ba ang mahal ha?" nag uusig na sabi niya dito.

 

"Mahal kita, mahal na mahal. Ayaw ko lang naman munang sabihin sayo dahil alam kong baka hindi ko din kayanin." sumisinghot na sabi nito.

 

"Matatanggap ko naman e, kung sinabi mo sa akin ng mas maagap ay maiihanda ko naman ang sarili ko e. Hindi yung ganito." nararamdaman niyang parang may pumipiga sa  puso niya.

 

"5 years." napatingin siya dito.

"5 years ang offer. Wala pang kasiguraduhan kung kelan talaga matatapos." nakatingin sa unahang sabi sa kanya ni Monette.

 

NAkapagmura siya, "Ay, Put*ng ina! 5years! 5 years Monette! Tapos ganito?" sigaw niya dito.

 

Nabigla sa kanya si Monette. Yayakapin sana siya nito pero lumayo siya. "I'm sorry, babe." Tumalikod siya dito. Ayaw niyang makita nitong umiiyak siya ng ganun. Niyakap siya nito ng mahigpit sa likod. "I'm sorry! I'm sorry! Mahal na mahal kita. But i need to this. Hindi din daw kasi pwede na may karelasyon habang nasa theater act kami, makakasagabal lang daw ito sa career namen." Biglang napaharap siya dito. "What did you say?" Sigaw niya. 

 

"Im soorry! I'm Sorry!" humahagulgol na sabi nito. 

 

"Pakiulit nga ng sinabi mo? Monette naman!" nanginginig na sumisigaw na sabi niya.

 

"I'm breaking up with you."pabulong na sabi nito. Natulala na lang siya. 

 

"I'm sorry! I'm sorry!" tumingin sa mga mata niya si Monette. "I love you, Skye. Hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo." hindi siya makapagsalita. "Please say something! Please!" punong puno na ng luha ang magandang mukha nito. Gusto niya itong yakapin pero ayaw gumalaw ng katawan niya. Wala ding lumabas na salita sa mga bibig niya. Ganito pala ang pakiramdan ng lubos na nasasaktan. Parang ayaw na rin niyang mabuhay.

 

Nakatulala lang siya at naglakad palayo. "Skye!!" NArinig niyang tinatawag siya ni Monette pero hindi siya lumingon. Para siyang namatayan. Mahal na mahal niya ito. Ibinuhos niya ang lahat ng pagmamahal dito. Sumigaw siya, "ahhhhhhhh! Put*ng Ina!" sinipa niya yung basurahan at pinagsusuntok yung pader. "Ahhhh! sh*t! sh*t! T*ng ina!" Sumigaw siya ng sumigaw ng sa paraang ito ay mabawasan ang sakit na kanyang nararamdaman. 

 

Napakurap siya, naramdaman niya ang pagtapik sa balikat niya. 

 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AYAN! HANGGANG DITO NA LANG MUNA! HEHEHE. I WANT TO SEE A COMMENT OR VOTE BEFORE I PROCEED TO THE NEXT SCENES.. YUN LANG NAMAN ANG GUSTO KONG MAKITA PARA MA INSPIRE NAMAN AKO SA PAGSUSULAT. THANKS!! :))))))

--DANE

Hopeless Romantic in Love :)Where stories live. Discover now