CHAPTER 4

69 0 0
                                    

PLEASE DO VOTE OR LEAVE A COMMENT KUNG NAGUSTUHAN NIYO BA PARA ALAM KO NAMAN KUNG AYOS BA NAMAN ANG STORY KO O HINDI. THANKS! :))

OKAY.. HERE'S AN UPDATE FOR THOSE WHO READ MY STORY!!  :D

---------------------------------------------------------------------------------------------------

RODRIGUEZ RESIDENCE

Nagising si Skye sa sigaw ng bunsong kapatid niyang si River. "Wahhh! YAYA!! YAYA!! there's a flying ipis in my room! Get it out! Get it out! WAhhhh!"

"Hmmm". Nag inat siya at lumabas ng kwarto.

"Ano ba yan River? ang aga aga sumisigaw ka." sabi niya sa kapatid niya. Overprotected siya dito dahil nag iisang babaeng kapatid niya ito pero kapag mga ganitong sitwasyon ay talaga naman ang sarap kutusan. tsk. 

"Eh, kasi naman Kuya. HUHU! You Know i hate cockroaches! It's so dirty, duh! 

"Duh!" gagad niya sa kapatid niya. 

"River, baby, What's wrong? You'll wake up the whole neighborhood." sabi ng mommy nila na kababa lang din. 

"Eh, kasi mommy may ipis. Tapos lumipad pa siya, feeling niya butterfly siya.Ang panget panget naman!" nakalabing sabi nito.

"HAHA. alam mo anak," natatawang sabi ng mommy nila. "17 ka na, you're turning 18 in a few months time. Dapat you act as a lady na. You should not scream like that again. Na parang may sunog, ha? malumanay na sabi ng mommy nila. Madalang itong sumigaw sa kanila, kapag sumobra lang talaga sila. Kaya nga kapag sumigaw na yan at binanggit ang kumpletong pangalan namen. Tumatahimik agad kami.

"yes, mommy. I'm trying naman e. Yung ipis lang kasi.." pangangatwiran ng kapatid niya.

"At talagang sinisi pa yung ipis, talaga naman." sabat niya.

"Talaga naman kuya e. Kung hindi ba naman siya lumipad ay hindi ako sisigaw e." 

"Ewan, arte kamo! Pshhh!" 

"Mommy oh, si kuya!" sumbong naman nito.

Tumingin ang mommy nila sa kanilang dalawa. "oopps! tama na yan. Wag mo na lang pansinin yang Kuya mo. He's grumpy like toll in the morning, remember? tapos nagising mo pa ata siya sa lakas ng sigaw mo." pangongonsola ng mommy nila.

"pssshh!" sabi niya habang naglakad papunta sa kusina.

Sumunod na din ang mommy at kapatid niya. Andun na din ang Daddy at kuya niyang si Rain. Matanda ang kuya niya sa kanya ng limang taon. Siya ngayon ang katulong ng Daddy nila sa pamamahala ng kompanya nila. They own the Rodriguez Builders that's well known in the country as the number one in constructing buildings.

"Good Morning Daddy! Kuya!" bati ni River.

"Good Morning! anu ba yung narinig kong sigaw kanina, ha? sabi ng daddy nila na nakatingin kay River.

"Hon," sabat ng Mommy nila. "Alam mo naman yang si River. Bayaan mo na. Pinagsabihan ko na." 

Nag umpisa na silang kumain.

Habang kumakain ay nagsalita and Daddy nila.

"Skye, when are you going to start working in our company? kelangan na ng katulong ang kuya Rain mo. Gagradute ka na rin naman this year."

"Ahmm, Dad, busy pa ko sa org namen." sabi na lang niya. Ayaw niya muna magtrabaho sa company nila kasi siguradong ikokompara na naman siya sa kuya niya.

"At, anu ba mas importante, ang org mo o ang kompanya natin? tingnan mo nga yang kuya mo. Kahit naman nag aaral pa siya dati ay nagagawa niya ang mga responsibilidad niya sa kompanya."

Eto na naman tayo. Di ko na lang pinansin sinabi ni Dad. Tumingin ako sa kuya ko. Wala itong reaksyon. Hindi naman siya galit sa kuya niya. Kung tutuusin, close naman sila nung mga bata pa sila e, naiba na nga lang nung nagkokolohiyo na sila.

"Hon," sabi ng mommy niya. Wag mo na muna pilitin si Skye. Let him enjoy his life first. Kaya niyo pa naman ni Rain ang pamamahala, di ba? He would help you soon,i know." bumaling sa kanya mommy niya. "Di ba Skye?" 

Sinalubong niya ang tingin ng mommy niya na parang nagsasabi na sumang ayon na lang siya. "Yes," nasabi na lang niya. Salamat na lang sa mommy niya na nakakaintindi sa kanya.

Hopeless Romantic in Love :)Where stories live. Discover now