SWEET ANGEL COFFEE SHOP
"sis, ano order mo?" sabi ni Lindie sa kanya.
"yung dati na lang sis."
"Ah, sige. Order lang ako. Papunta na din daw ang barkada dito at tapos na din exam nila."
"Okay.' sabi niya. Apat silang magkakabarkada since high school. Nagkahiwahiwalay lang sila dahil iba iba ang course nila. Silang dalawa ni Lindie ay HRM kase mahilig silang mag bake ng mga cakes at balak nilang magtayo ng sarili nilang business. Yung dalawa naman nilang kaibigan ay Business Management ang course. Pero same school sila lahat kaya nagkakasama sama pa rin sila. Tulad ngayon.
"Yassi!" she looked at the door and saw her friends.
"Andito na pala kayo. Kamusta exam?"
"Ayun! Maning mani! HAHAHA." sabi ni Carlota, ang clown ng barkada. Gay siya kaya nakakatawang kasama pero hindi siya yung gay na masyadong wild kung gumalaw at magsalita. Pero in his heart daw ay truelalay na girl daw siya, na baka daw napaltan ang katauhan niya habang inilalabas daw siya ng nanay niya sa vagina nito.
"Anong mani?" sabi ni Julia, ang boyish kung gumalaw sa aming barkada. "Abot na nga hanggang EDSA yang leeg mo kagagaya ng mga sagot!"
"HAHAHAHA. Juls naman! Ano ka ba? Exercise yun ginagawa ko! Baka magkaroon ako ng stiff neck sa tagal ng pag eexam!"
"Palusot ka pang Bakla ka!" . Sabay turo kay Carlota gamit ang bread knife sa table. "Gusto mo putulin ko yan? Haa?" bruskong sabi ni Julia. Ang gandang babae pero kung manamit ay medyo tagilid. Siguro dahil na rin sa mga kuya niya. Siya lang kasi nag iisang babae sa pamilya nila.
"HAHAHAHAHA". she laughed. Kakatawa talagang panuorin tong dalwang to! She looked at the counter and saw Lindie walking into their table.
"Haaaa? Anoooo? Pakiulit nga ng sinabi mo? Sinooong Baaakla? Haaa?" nanlalaking matang sabi ni Carlota na Carlo talaga ang tunay na pangalan kay Julia.
"Ayun! Ayun sa kabilang mesa yung bakla!" sabi ni Lindie as she sat down.
They all looked down at the other table.
Then her eyes flew open! As in nanlaki mga mata niya! Five handsome guys were sitting there. And one of them is the guy she saw last morning!
"Shit!" bigla na lang lumabas sa bibig niya.
Her friends looked at her. Then looked at the other table. And then looked at her again.
"Uyyy! I can smell someting fishy!" Dalaga na si Yassi oh!" malakas na sabi ni Carlota.
"Bakla! ang lakas ng boses mo! nakikinig ka sa buong coffee shop!" angil ni Yassi.
She looked at the other table and saw him looking at her. And smiled.
She blushed and get off her eyes from him and look at her friends.
"Alam ko na yang mga tingin niyong yan! Tumigil nga kayo! Hindi ko kilala yan! kung sino man yan!"
"HAHAHA. ay atii! masyadong defensive? natatawang sabi ni Carlota. "Hindi daw kilala, pero bakit parang may something sa inyo ng hot na fafa na yun?" sabay tingin sa kabilang table at kinindatan yung isa sa mga kasama nung guy.
"Hoy! Bakla ka talaga! may pakindat kindat ka pang nalalaman! Kakahiya!"
"Anong nakakahiya! Hindi na uso ang mga pa virgin ngayon 'day!" nagpapacute na sabi ni Carlota.
"Ang bibig mo Carlota!" saway ni Julia.
"Heh! Alam mo pareng Juls!" Inakbayan si Julia at nagboses lalaki. "Minsan lang magdalaga tong Ms. Hopeless romantic naten, pagbigyan mo na."
"Tanggalin mo nga yang braso mo sakin! Kadiri ka!" naasar na sabi ni Julia.
HAHAHAHA. Natatawa na lang kami ni Lindie kapag ganito ang eksena. Aso't Pusa.
Tumingin sakin si Carlota. tsk. Kala ko tapos na ang tungkol sa akin. Hindi pa pala.
"So, 'day! Ano na nga?" pangungulit ni Carlota.
"Hays, ganito kasi yan. Kaninang umaga, habang nag aabang ako ng taxi...... "Ay? HAHAHAHA. grabe sis, kakahiya! Sinabihan ka pa niyang "You look funny!" . HAHAHA.
"Ewan ko sanyo! hmp! Malay ko bang may tao pala sa loob nun?" naasar na sabi niya.
"Ang moral lesson lang diyan sis ay wag na wag ka nang mananalamin sa bintana ng may bintana! HAHAHA. Pero kung bintana naman ng hot fafa na iyan, eh go lang ng go! Di ba beks? taas babang kilay na tanong ni Lindie kay Carlota.
"Ay! Big Check ka dyan Madiir!" Apiir!" at nag high five pa nga yung dalawa.
"Ay, waaait! Paalis na sina fafa! Nakow! Hindi pa kayo nagkakakilala!" sabay tayo at hinarangan ang mga ito at kinausap.
Mapapatay talaga kitang Bakla ka! sabi niya habang nakikitang papalapit ang limang naggagawapuhang nilalang. Natulala na lang sila. Walang tulak kabigin sa mga ito. Mga magkakasintangkad lang halos. Mga 5'11 siguro. Pero para sa kanya ay mas nakalalamang ang lalaking may mga brown na mata. Mas gwapo pala ito kapag malapitan at maliwanag. Hindi kasi niya masyado napagmasdan ang itsura nito kanina dahil nasa loob ito ng kotse.
"Miss.." may pumitik sa harap ng mukha niya.
"Ha?" nasabi na lang niya. Tumayo siya. Umabot lang siya sa may baba nito.
HAHAHA. nakinig niyang tumawa ang mga kasama ng lalaki pati na rin mga kaibigan niya. Nang tumingala siya at tumingin sa mukha nito ay nakita niya ang mischief at amusemant sa mga mata nito.
Namula siya lalo.
"Ang sabi ko, ako nga pala si Skye. Skye Creo Rodriguez. And these are my friends, Clyde, Sean, Keith and Dwight." they offered a hand shake and they smiled at her. When it's Skye's turn, "We've met again, Miss" and he smiled boyishly that making him more handsome and offered his hand and she accepted it. She felt a warm feeling envelop her being. She felt something. Then she looked at his face. She saw him smiling at her and her heart beats fast. Is this the connection I'm waiting to feel?
"hmmm, Yas-si.." she stammered, (EHEM, she cleared her throat) "ahmmm, hello guys, I'm Winter Yassi Mondragon." She smiled awkwardly. There's something different with the way they looked at her. Baka naikwento ni Skye yung nangyari kanina. NAKAKAHIYA! She looked at her friends. "ahmm, and these are my friends, Julia, Lindie." Tumingin siya kay Carlota, at ang nangharang nga pala sanyo na si Carlo. Pinandilatan siya ng mata ni Carlota. "Ay! Carlota pala! HEHE." she laughed to break the nervousness building inside of her.
"Hello boys!" masayang bati ni Carlota. "It's so nice to meet all of you." malawak ang ngiti habang nakikipag shake hands sa mga ito. "Student pala kayo diyan sa katabing school? Sa St. Dominique University?" nagapapacute na sabi ni Carlota kay Clyde.
"Yeah, we're in our fifth year in Engineering." said Clyde.
"wow naman, pwede mo ba akong igawa ng dream house ko fafa Clyde?" malanding sabi ni Carlota.
"Ehem, ahh. ehh. pwede naman. ahhmm, why not? He. He." naiilang na sabi ni Clyde.
Nakow! Talaga naman tong baklang ! Lumalandi na naman! task. Poor Clyde. HEHE
"Hmm, girls, we need to go na nga pala." sabi ni Skye. "May meeting pa kami sa org namen e. Nice to meet you girls," at tumigin sa kanya, " Especially you Winter, hmm, Can I call you Winter?" You can call me Skye if you want." he said smiling. "You see, our names contradict, you're cold and I'm kinda hot, eh? HEHE. Just kidding. Just having fun with our names."
They laughed. The awkwardness started to break. Mabait naman pala tong nilalang na ito. May pagka mischievous lang ng konti.
He looked at his watch. "Argh. Too bad, as much as i want to have a chat with you girls but there's no much time, hmmm, but there's still a next time, right? he said while looking at her.
"Ahhm, yeah, maybe next time, Skye." she said while smiling.
"Sige girls, we'll go ahead na muna." he waved his hand.
But before he left, he said while looking intently at her face as if memorizing it. "I'll see you again Winter. Very Soon." then he winked at her and walked away.
YOU ARE READING
Hopeless Romantic in Love :)
Novela JuvenilIsa ka rin ba sa mga taong naniniwala na kung kayo ay kayo talaga? That there's someone out there that would love you for who you are and would accept all of you? That when you fall in love, you know in yourself that you'll love that person forever...