MALL
Kumain muna silang magkakaibigan sa paborito nilang resto. Tawa sila ng tawa sa mga hirit ni Carlota. Nang patapos na sila ay nag excuse muna siya para pumunta sa cr. Hindi niya napansin yung paparating na waiter. Nabubo sa kanya yung shake na dala nito. Napasinghap siya, "AHHHh! ang lamig!" Dali daling pinunasan niya yung damit niya. Humingi naman ng paumanhin yung waiter sa kanya. Hindi na siya nagreklamo dahil partly ay may kasalanan rin naman siya. Nagpasama siya kay Lindie sa cr para maremedyuhan yung mantsa sa damit niya but to her dismay, masyadong malala yung pinsala. Ayaw matanggal. Bumalik na sila sa table nila.
"Ay 'day! Bumili na lang tayo ng dress na masusuot mo." suwestiyon ni Carlota.
"Oo nga. sige tara." sang ayon na lang niya.
Umalis na sila ng resto at naghanap ng damit.
"Ay! Oohlala! Gusto ko yung dress!" sabi ni Carlota. Sabay hila samen sa loob ng store.
"Ano ka ba naman Carlota! Umaayos ka nga! Wholesome gay ka, remember? Magsuot ka niyan kung ayaw mong ipakatay ka ng tatay mo. Buti nga natanggap ka ng tatay mo. Lagot ka kapag nakita ka ng mga associates nun na nakaganyan." sabi ni Lindie. May ari kasi ng Import at Export Business ang family ni Carlota kasosyo ang pamilya ni Julia. Sina Lindie naman ay may mga chain ng restaurants.
"Alam ko naman yun mga 'day!" Hindi naman para sa akin to 'no! Di naman talaga ako magsusuot ng ganito kung ayaw kong makalbo ng tatay ko. Sabay hawak sa buhok nito. "Oh, my precious hair, I won't let anything bad happen to you."
"Precious hair ka diyan!" sabay hila ni Julia sa wig ni Carlota.
"Ayyy! My Hair! Is falling down! Falling down! How dare you! Ayhh! Why did you do that to me? HUHUHU."madramang sabi ni Carlota kay Julia. "YOu!" naluluhang turo ni Carlota kay Julia.
Kami ni Lindie ay natatawang nanunuod na lang sa dalawa. Simula kasi ng makilala nila ang dalawang ito ay aso't pusa na. Magkasosyo kasi sa negosyo ang magulang ng mga ito kaya magkasabay na halos lumaki.Nagsusuot lang naman ng wig si Carlota kapag may mga araw na feel nito na babaeng babae ito. Kung tutuusin ay gwapo nga si Carlota e. Kung hindi nga lang ito gay ay siguradong makakabiktima na to ng mga chicks.
"Tumigil ka nga diyan! Para kang tanga!" angil ni Julia kay Carlota.
"Eto naman, lagi na lang hb (highblood) sakin. Nakow ka! maaga ka niyan tatanda! Kukulubot agad balat mo. Ewwwww! Gross!" sabi ni Carlota habang inaayos ang wig nito. "Buti na lang yung skin ko, ang ganda ganda!" sabi nito habang nakatingin sa display mirror nung store. "Ang ganda ko talaga!" Kumending pa at nagmodel sa harap ng salamin.
Tawa ng tawa na lang kami habang pinapanunod si Carlota. Naghanap na din ako ng damit na pwede ko masuot na pamalit. Inabot sa akin ni Carlota yung damit na nakadisplay na pinagdidisktahan niya kanina. "Sista! Nakow! bagay na bagay to sayo. Isukat mo. Dali!" tinulak siya nito papunta sa fitting room.
Sinukat niya yung damit. Hmmm, bagay nga sakin. Galing talagang pumili ni Carlota. She's wearing a black tube dress. Naemphasize yung shape ng katawan niya saka yung flawless complexion niya. Lumabas siya ng fitting room.
Sumipol si Julia nang makita siya.
"Wow! Pretty sis!" sabi naman ni Lindie.
"Ganda 'day! I told you! nakangiting sabi ni Carlota.
Binili na niya yung damit at lumabas na sila ng store. Habang naglalakad sila ay napansin nilang may munting kaguluhan sa may malapit sa store. Nang lumapit sila ay nakita nila sina Skye at barkada nito. May akbay na babae si Skye at halos napapalibutan ang mga ito ng mga babae. Nakita pa niyang bumulong si Skye dun sa akbay na babae at ang reaksyon naman nung babae ay parang kinikiliti. Ang Landi! Naisip na lang niya.Nakaramdam siya ng kakaiba. Parang gusto niyang hilahin yung girl at ingudngud sa semento. Pero naghunusdili siya. Hindi siya ganung babae at wala siyang karapatan na gawin yun.
Siniko siya ni Carlota, "di ba sina fafa Skye yun? Saka si fafa Clyde. NAkow! sarap sabunutan nung babae nakikipaglandian sa fafa ko. Tara lapitan natin."
"Ano ka ba? Kakahiya! Hindi pa naman tayo masyado close sa kanila."
Dumaan sila sa may harapan ng mga ito. May nakinig siyang sumipol. Yung mga lalaking nasa kabilang side nina Skye.
"Sexy!
"Hi, Miss!" humarang sa kanila yung isang lalaki. "Pwede ba makipag kilala?" ang lagkit ng tingin sa kanya, para siyang hinuhubaran.
"Ha, ah eh. Paalis na kami e." Lumingon siya sa mga kaibigan niya. "Tara na".
"Sandali lang naman, miss. Nakikipagkilala lang naman e." hinawakan siya nito sa braso.
Nagpumiglas siya. "Bitawan mo nga ako."
"Bitiwan mo nga daw kasi siya, hindi mo ba narinig?" tumingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Skye. He looked so dangerous but still looked hot with his plain shirt and jeans.Lumapit na din ang mga kaibigan nito sa kanila. Binitawan naman siya nung lalaki. Natakot ata Kina skye. Malalaking tao ba naman.
She looked at him and say thank you. He just nodded but didn't walk away. He just stared at her face for a moment.
"Ahmm". Nung magsasalita ulit siya ay saka naman lumakad palayo sa kanya si Skye. She just stared at his back as he walked away and put again his arms around the girl he was with. She looked at his friends and say thank you. Buti pa yung mga kaibigan nito madaling kausap. Nakipaglokohan pa sakanya ng konti habang si Skye naman ay tahimik na nakatingin lang. Ano naman kaya ang problema nito? Nung nagkita naman sila sa coffee shop ay playful naman ito. Tapos ngayon ay parang wala lang siya sa paningin nito. Magulo din ang pagkatao nitong taong to. Tsk.
Nagpaalam na siya sa mga kaibigan nito. Sinabi pa nila na kapag may nambastos ulit sa kanya ay tawagan lang daw niya ang mga ito. Natawa na lang siya dun. Nakakatuwang kausap ang mga ito, mga bolero din. Tinawag niya ang pangalan ni Carlota at ang lagkit na ng tingin kay Clyde. Parang ano mang oras ay dadakmain na nito si Clyde. Habang naglalakad palayo ay sumulyap ulit siya kay Skye at nakitang matiim itong nakatingin sa kanya.
YOU ARE READING
Hopeless Romantic in Love :)
Novela JuvenilIsa ka rin ba sa mga taong naniniwala na kung kayo ay kayo talaga? That there's someone out there that would love you for who you are and would accept all of you? That when you fall in love, you know in yourself that you'll love that person forever...