Errol's Pov
" Bro! " Napalingon ako nang may sumigaw sa may bandang pinto. At nakita kong iniluwa nito ang mga ugok.
" Bakit? " Walang gana kong tanong, at bumalik na ulit sa pinagkakaabalahan ko.
" Anong bakit? Pasukan na natin bukas, ano? Wala kang balak? " Di makapaniwalang tanong ni Gino.
" Puro kasi PSP lang ang hawak nito, uso bitawan yan" Mapang asar na sabi ni Yuan sakin,
Oo nga pala no? Start na bukas ng klase , at wala pa akong nabibili na gamit kahit isa. Nakakatamad kasi kumilos eh, tska baka pag pumunta ako ng mall masapak na naman ako! Bwiset na babae na yon, biglang na nanapak! Ang lakas pa naman, may pagka amasona ata yun eh. Tsk,
Nga pala? Bakit ko ba naalala yong babaeng yun? Tsk,!" Wait niyo ko, " Sabi ko at ibinaba na sa sofa yung PSP ko. At nang makatayo ako sila nang dalawa ang umupo sa sofa, at nagsikuha na ng magazine na babasahin.
Pagkadating ko sa may tapat ng kwarto ko, agad kong binuksan at naghanap na ako ng damit na pwdeng masuot. Yung magmumukhang desente, at hindi mukhang nakapambahay Tsk
Mga ilang minuti din ako nagbihis at lumabas na din ako sa kwarto, pagkababa kp naabutan ko pa ang dalawang ugok na nagngingitian. Siguro may nakita na naman na sexy picture tong mga to!
" Hoy! Pati picture pinagnanasaan niyo ha? " Asar ko ng makalapit ako sa kanila , tumingin naman sila sakin na nakangiti.
" Hindi bro ah! Iba naman yung sinasabi mo eh, " Pagtatanggol naman ni Gino sa sarili niya,
" Usog. Eh ano ? " Sabi ko nang makaupo ako sa tabi ni Gino.
" Look at her picture and tell as if you've still remembering her " Sabi ni Gino at ipinakita sa akin yubg magazine na tinitingnan nila.
Nang tingnan ko ang magazine may isa akong pigura ng babae na nakita, at medyo parang namumukaan ko siya. Pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.
" Base sa itsura mo, hindi mo na siya makilala. Tama ba? " Nakangising puna sa akin ni Yuan,
" She's Andrea Melendez ,you're dearest EX- girlfriend " Pakilala sakin ni Gino. At pinagdiinan niya pa talaga ang EX word. Psh, kaya pala namumukaan ko siya.
" Dearest you're face ! Dami niyong alam, umalis na nga lang tayo " Medyo irita na sabi ko. Natawa naman ang mga ugok,
" Hanggang ngayon ba naman bitter ka pa din? Psh, Move on pre! Break na nga sila ng ni --- " Hindi ko na pinatapos si Gino sa sasabihin niya ng magsalita na ako.
" Sabihin niyo lang sakin kung aalis pa tayo, may gagawin pa kasi ako. Wag niyo sayangin oras ko, " Medyo na beastmode na ako, ayoko na kasi marinig o pinag uusapan yung dalawang taong yun.
" Chill bro! Masyado ka namang hot eh, oo na! Tara na nga! " Natatawang sabi ni Gino at nauna nang tumayo papuntang pinto.
" Hayaan muna yon bro, malakas lang talaga mang asar yang si Gino " Pagcomfort ni Yuan sakin,
" Salamat siya kaibigan ko siya, kung hindi? Binaon ko na siya, " Nakangisi kong sabi.
" Yabang! " Natatang sabi ni Yuan at tinulak pa ako ng medyo mahina.
****
" Bro, ano uunahin natin? Bag o mga school supplies? " Basag ni Gino sa katahimikan na namamagitan sa amin.