Sy's Pov
" Ano ba sy! Ang tagal mo naman! " Sigaw ni Helen mula sa sala, grabe talagang bunganga nun. Parang nakalunok ng megaphone!
" Pababa na! Ingay mo naman, " Sigaw ko din mula dito sa loob ng kwarto.
Tumingin tingin muna ako sa mukha at sa uniform na suot ko kung ok na ba ako, wala na ba akong nakalimutan. At mukhang okey naman!
" Buti naman at bumaba kapa " Sacrastic na sabi sakin ni Helen, inirapan ko lang siya.
" Excited kasi masyado eh, kala mo naman talagang nag aaral. " Sabi ko at ang loka ngumiti lang.
Binaling ko naman ang tingin ko kayla , Jenny. Si Kyla busy na nag aayus ata ng gamit niya sa bag, at si jenny naman tahimik lang sa isang gilid at parang may inaantay kasi kakatingin sa cellphone niya.
" Jenny ok ka lang? " Tanong ko ng makalapit ako sa tabi niya.
" Wag moko intindihin, ok lang ako. Walang problema, " Sabi niya na nakangiti. Pinagmasdan ko siya at mukha naman na nagsasabi siya ng totoo, kaya binaling ko naman ang attention ko kayla Helen.
" Kala ko ba nagmamadali kayo? Bakit ayaw pa natin kumilos para umalis? " Tanong ko.
" Buti naman at sinabi mo yan! Tara na, ayoko ma-late. " Sabi naman ni Kyla,
Nagsitayuan na kaming apat, at nagtungo sa may kusina dahila andun si mama. Nang makadating kami dun, nahalata ata ni mama na andun kami kaya tumigil muna siya sa pagluluto niya.
" Aalis na ba kayo? " Tanong ni mama, habang nagpupunas ng kamay niya sa may apron niya.
" Opo tita, kaya mag papaalam na kami sayo. " Sabi naman ni Jenny,
" Ganun ba? Sige, mag iingat kayo ah? Aral mabuti " Sabi ni mama at isa isa kaming kiniss sa chicks.
--
Naglalakad na kami papunta sa may sakayan ng jeep, wala kasing dumadaan na jeep sa isang kanto na dating pinagsakyanan namin eh.
" Guys ... Ang hagard kona, di pa tayo nakakadating sa school. " Malungkot na sabi ni Helen. Kahit kelan talaga ang arte nito, puro mukha lang niya ang iniintindi niya.
" Wow ha? Mas inintindi mo pa yung mukha mo kesa yung paa mo na kanina pa nag lalakad. Grabe ka talaga mag isip! " Sabat naman ni Kyla,
" I second the motion! " Natatawang sabi ni Jenny,
" Ewan ko sa inyo! " Inis na sabi ni Helen at nauna na maglakad kesa sa amin.
" Tingnan mo yung babaeng yun, ang pikon! " Natatawa kong sabi,
" Oo nga! Arte kasi eh, " Pagsang ayon naman ni Kyla.
" Pareho lang naman kayo! " Sabi naman din ni Jenny, kaya si Kyla nag pout at sumunod na din sa pag walk out ni Helen.
" Mga abnormal talaga yung dalawang yun no! Parehas nga sila, kambal ata yun eh. " Natatawa kong sabi. Tumatango tango lang naman si Jenny ng nakangiti.
Habang busy kamina naglalakad, nagulat nalang kami ng may bumusina sa may bandang likudan namin.
* Beeep! Beeeep! *
" Ay kabayo! " Sigaw ko bg magulat ako sa pagbusina ng kotse sa may likudan. Agad naman akong tumalikod para makita kung sino ang hinayupak na bumusina sa may likudan ko.
" Hoy! Bwiset ka! Bumaba ka nga! Gusto mo ata kaming patayin eh!? Sabihin mo lang! " Sigaw ko at ewan ko kung narinig ba ng driver ng kotse sa loob.
