RT#1

4 0 0
                                    

Third Person's Pov

Nagmamadaling naglalakad si Sy,   papuntang resturant dahil kanina pa siya inaantay ng mga kaibigan niya.

Medyo malapit na si Sy, sa resturant na pagme-meetingan nila nang mapansin ni Sy na parang may pinagkakaguluhan ang mga tao.

Bigla naman naintriga si Sy kaya dali-dali siyang nagtungo sa crowd at sinilip kung ano yung pinagkakaguluhan nila.

At bumungad sa kanya ang kaibigan niyang si Jenny na umiiyak, sa harap ng lalaki at babaeng nakataas pa ang kilay sa mga kaibigan niya.

Di naman na nagpatumpik tumpik si Sy at nagsiksik sa crowd at lumapit sa kaibigan. Halata sa mga kaibigan na nagulat ng makita nilang nasa harap na nila si Sy.

" Jenny? Ok ka lang ba? " Alalang tanong ni Sy at hinahaplos ang likod ng kaibigan. Tango lang ang naging sagot nito at bumaling ulit ng tingin sa dalawang tao sa harap,

" Anong ginawa niyo sa kaibigan ko!? " Inis na sigaw ni Sy sa dalawang kaharap niya, wala siyang pakialam kung madami ang nakatingin at kumukuha ng video sa kanila.

Napatawa naman ng mapang asar ang babae na kasama nung lalaki, kaya naman napatingin si Sy doon.

" Joke ba yong tanong ko para tumawa ka? Wag kang baliw ha? " Seryoso pero may pagkamaldita ang pagkakasabi niya dito, bigla naman nagsalubong ang kilay nung babae. At napahawak naman si Kyla na isang kaibigan niya sa braso niya.


" Umalis na tayo dito, wag na natin intindihin yan " Sabi ni kyla. Pero hindi yun pinansin ni Sy,


" Hoy! Kung meron mang baliw dito? Yang kaibigan mo'ng yan! Tama ba'ng sumugod siya sa amin, at sampalin ako? " Mataray na sabi naman nung babae, kaya naman takang tumingin si Sy kay Jenny. Pero nakayuko lang ito at parang walang balak sumagot


" Hoy babae! Tumigil kana ok? Sorry. " Singit naman ni Helen,


" Sorry?! Yun lang!? " Sigaw naman nito. At balak pa sana'ng sumugod nito kaso humarang ang lalaking kasama nito at hinila siya papalayo kila Sy, na parang walang nangyari.


" Wala na po'ng palabas, pwede na kayong umalis! " Pagtataray ni Helen sa mga tao na nakikichismiss sa kanila.


Lumapit naman si Sy kay Jenny,
" Jen? Ano ba kasi yon? Sabihin mo sakin, bakit ginawa mo yon? " Tanong ni Sy sa kaibigan , tumingin naman si Jenny na mapapaiyak na naman.


" K-kase .. B-boyf-friend ko yun eh ... " Sagot ni Jenny kasabay sa paghikbi niya. Lalo naman nagsalubong ang kilay ni Sy, kaya napatayo ito bigla


" Bakit ngayon mo lang sinabi!? Di ka nagsalita kanina! " Napasigaw na si Sy sa sobrang galit, at sabay nagwalk out.


Pipigilan pa sana siya ni Kyla kaso hindi nagpatinag si Sy. Sobrang inis ang nararamdaman ni Sy, nang makita niya ang kalagayan ng kaibigan niya. Naiinis siya dito kasi hindi man lang nagsalita ito nung nagtanong siya dito, bakit sinaktan niya yubg babae kanina.


Palinga linga si Sy, at hinahanap ang lalaking nanloko sa kaibigan niya. At di kalayuan nakita ni Sy ang itsura ng suot ng lalaki na Polo Shirt. Nakatalikod ang lalaki at may kinakausap na mga lalaki,

" Humanda ka sakin ... " Bulong ni Sy at  nagtungo na sa kinapupwestuhan ng pakay niya.


Nang makalapit siya dito, hindi ata nadama ng lalaki at ang mga kausap nito na nasa likod siya. Kaya naman bigla nalang niyang hinarap ang lalaki ng pwersahan at sinapak ito.

Laking gulat ni Sy at nang mga lalaking kausap nito, ang ginawang pagsapak ni Sy sa kasamahan nila. Dali dali namang inangat ng lalaking inakala niya ang mukha nito, at nakita na ni Sy ang kabuoang itsura nito. Malayong malayo sa itsura ng hinahanap niya, nakasalubongang kilay ng lalaking sinapak niya.

" What was that for bitch!? " Inis na sigaw nang lalaking nasapak ni Sy, bigla naman pumagitna ang isa sa mga barkada nung lalaki,

" Chill bro .. Babae yan, Anyway miss. Ba't ginawa mo yon? Ano bang ginawa niya sayo? " Tanong naman ng lalaking barkada nung lalaki.

" S-sorry ... Diko sinasadya, kala ko ikaw yung boyfriend ng kaibigan ko " Kinakabahan na paliwanag ni Sy sa lalaking nasapak niya,


" Yun naman pala bro, di sinasadya.. Sige miss, next time kasi tingnan mo muna yung sasapakin mo " Natatawang sabi naman nung isang lalaki na may blonde ang buhok.


" Sorry ulit .. " Akmang hahawakan ni Sy ang braso yung na sapak niya kaso, bigla niya itong tinabig. Napahawak si Sy sa kamay niya dahil napalakas ang pagtabig dito,


" Sorry you're face! Wag na wag mo na ipapakita yang pagmumukha mo sakin! Baka bawian kita! " Galit na galit na sabi nung lalaki, pero hindi naman natinag si Sy. Dahil sobrang nainis pa siya,


" Edi bawian mo! Arte nito?! Bakla! Hmp! " Sigaw naman ni Sy at sabay walk out.

Dahil sa pagsigaw ni Sy ng bakla sa lalaking nakaalitan niya, nagsitawanan naman ang mga kabarkada nito.

" Grabe! Bakla ka daw tol? " Natatawang sabi naman ni Gino, yung blonde na buhok.

" Shut up! " Nakasalubong ang kilay nito at nang gagalaiti sa galit.

" May nakatapat kana errol no? ( smirk ) " Asar naman ni Yuan, yung lalaki na umawat.

" Di ba kayo titigil!? Oh babasagin ko yang pag mumukha niyo!? " Seryoso na sabi ni Errol, pero halata dito na galit ito. Tumahimik naman bigla ang dalawa , dahil nadin siguro sa takot.


" Wag ka'ng magpapakita sakin ... " Nakangising bulong ni Errol, pero halata dito na inis padin.




--

Right Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon