Errol's Pov
" Hi King Errol! For you! " Masayang sabi nitong babaeng kaklase ko, hindi ko siya kilala.
Dahan dahan kong ibinaba ang shades ko at tinapunan ko lang siya ng tingin, yung tinging walang emosyon. Bakit? Wala lang, di naman ako interesado sa kanya.
" Sige na please, tanggapin muna wag muna naman ireject. Pinaghirapan ko to eh, " Paawang sabi niya.
" Wag kang umarte, di ako naaawa sayo. At isa pa, hindi ko sinabing gawan moko. Kaya kunin mo na yan, diko kailangan yan " Mabahang sabi ko sa kanya,
" Sige na kasi king .. Gusto subuan nalang kita " Pamimilit niya sabay lapit sakin ng ginawa niyang pasta,
" Ayoko. " Tipid kong sabi, pero ang bwiset. Sige pa ang lapit,
" Sige na ka------ "
" AYOKO NGA SABI EH! " Sigaw ko at sabay bato ng pastang ginawa niya banda sa may pinto.
" Woaah .. " Napatingin ako sa may pinto ng halos lahat ng mga kaklase ko ay magsabi ng ganon.
'' Er! Anong ginawa mo?! '' Gulat na sigaw sakin ni Yuan. At aba? Sinisigawan na niya ako ah,
'' Wala. '' Patay malisya kong sagot, baket? Wala naman talaga akong kaalam alam na may papasok. Tska, anong paki ko? Atleast nakaganti nako,
Iniyuko ko nalang ang ulo ko sa desk, inaantok ako ehNagulat nalang ako ng may isang malakas na batok akong naramdaman na kumapol sa ulo ko, at isa lang masasabi ko ....
'' TANGINA SINO YON!? '' Halos mamula na ako sa sobrang ines, at napatingin nalang ako sa gilid ko ng makita ko siya na salubong ang kilay at sobrang pula.
'' Ako baket papalag ka?! '' Sigaw niya din sa akin. At di pa na kontento, lumapit pa sakin
'' Ang lakas naman ng loob mo para batukan ako! Ano ba'ng problema mo ah!? '' Sigaw ko din, wala akong pakialam kung babae to! Nananakit na ng physical eh!
Nanatili pading tahik ang buong room, halos lahat sila ay pigil ang paghinga dahit sa tensyong namamagitan sa amin ng babaeng to!
'' Problema ko? Yang kaangasan mo! Nakita mo na nga na natapunan ako ng binato mo, hindi ka man lang nagsorry!? Kahit di mo sinadya KUNO! '' Nanggagalaiti niyang sagot
Napangisi nalang ako para lalo pa siyang asarin,
'' Quits na tayo. Diba sinapak moko ng di mo sinadya KUNO. ''At ibubuka pa sana niya ang bunga-nga niya ng umawat na sila Yuan at gino.
" Tumigil na nga kayo, masyado kayong hot eh. Chill lang! Mahiya naman kayo, first day na first day " Banat naman ni Gino, at sabay tingin sa mga kaklase namin na nakatingin samin na umayoa na.
" Kumalma kana Sy, at ikaw naman er. Sana kahit di mo sinadya nagsorry ka. Nadungisan mo yung tao oh? " Sermom namam sakin ni Yuan. At talagang ako pa ang may kasalanan? Ayos!
" Kung makapagtanggol ka parang kilala mo siya ah? Sino ba bestfriend mo at kung makapagsermon ka, ako lagi may kasalanan. " Sobrang pissed off nako,
" Er, di naman sa ganon. Kaso syempr--- " Diko na siya pinatapos , alam ko naman na yung Sy padin ang kakampihan niya.
" Bahala ka sa buhay mo! " Inis na sabi ko at nagwalk out na. Wala akong pakialam kung ma-cuttingan man ako. Basta inis ako at baka kung manatili ako sa room na yon, sumabog nalang ako sa inis. Grrr! Nakakainis talaga yung babaeng yon! Humanda siya,
