Sy's Pov
*Kriinngg ! *
Agad agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko at tinitigan kung sino ang caller. Si kyla
" Hello? Bakit? " Bungad na sagot ko.
" [ girl! Di tayo magkakasabay pumasok. Di kami papasok ni helen, may pupuntahan pala kami ] " Sabi naman ni Kyla.
" Ok lang, si Jenny? " Tanong ko naman, habang tinitignan ang sarili ko sa salamin.
" [ ewan ko dun. Di nga sinasagot yung tawag ko eh. So? Paano Sy, bye na! Nagmamadali kami ! ] " Sabi nya at tska na inend yung call, di man lang hinintay kung may sasabihin ako? Tsk,
So? Paano ba yan, ako lang ang mag isang magcocommute at papasok sa school. Hay, kaya ko ba to na wala akong kasama? Hmp.
Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto. Pagbaba ko nakita ko si mama na may kausap sa landline, kaya naman lumapit ako sa kanya.
'' Ma? '' Tawag ko, halata naman na nagulat siya, kaya naman nagpaalam na siya sa kausap nya na mamaya nalang tumawag.
'' Andyan kana pala, papasok kana ba? '' Tanong ni mama.
'' Sino yun ma? At baket kailangan putulin nyo pa ang pag uusap nyo , nang makita moko? '' Curious na tanong ko, bigla naman nagbago ang itsura ni mama. Yung tipong parang kinakabahan,
'' Ma? May tinatago ka ba sakin? '' Tanong ko ulit,
'' wala anak, may pumasok lang sa isip ko na hindi ko natapos na gawain. '' Sabi ni mama, at bumalik na yung maaliwalas na mukha ni mama.
'' Ganun po ba? Edi tapusin niyo na, Baka importante pa man din yon. Nga pala ma? Alis nako '' Paalam ko at kinissan si mama sa pisngi.
'' Sige mag iingat ka ah? '' Sabi ni mama tska na ako lumabas ng bahay.
--
Nakatayo ako ngayun sa may hintayan ng jeep, medyo 15minutes nadin akong naghihintay. Puro hindi papuntang school namin ang daan eh,
'' Be, napanood mo na ba yung trending na videos sa may PEU '' Girl 1.
Agad naman akong napatingin sa babaeng nagsalita nang marinig ko ang pangalan ng school namin.
'' Ang alin? Yung kay king errol? '' Girl 2.
Halos manigas ako sa kinatatayuan ko, so ganon na pala ka trending ang video daw namin nung mokong.
'' Oo! Nakakainis yung babae! Feeling matapang eh no? Kung andun lang ako, sasabunutan ko yon eh! '' Girl 1
Medyo napaatras ako ng marinig ko yon. Kailangan ko muna atang makaalis dito, delikado ako eh.
Tumalikod na agad ako sa kanila, hangga't di pa nila ako napapansin. At buti nalang hindi sila lumingon,Medyo nakalayo na ako sa kanila, at diko alam kung saan na ako sasakay. Wala na kasing dumadaan na jeep dito, puro taxi nalang. Tiningnan ko ang relo ko, at laking gulat ko ng 6:50 na! Shet! Late nako, kaya wala na akong choice kundi ang magpara ng taxi.
'' Manong PEU po! Pakibilis ho, '' Agad kong sabi nang makasakay na ako sa loob ng taxi.
Mga ilang minuto lang din ay nakarating na ako sa may tapat ng school, agad kong inabot kay manong yung bayad at diko nalang kinuha yung sukli. Ok lang! Nagmamadali na kasi ako,
Nang makarating ako sa guard, ipinakita ko agad sa kanya yung I.D ko. At pinapasok naman niya ako. Lahat na ginawa ko, lakad takbo. Para lang kahit papaano nagbabakasakali na hindi pa ako late.
