RT#2

5 0 0
                                    

Syra's Pov

" Hayy ... " pa bagsak akong umupo sa sofa, grabe! Nakakapagod talaga ang mag jogging!

" Oh, uminom ka muna. Pagod na pagod ka ah? " Napatingin ako nang magsalita si mama, papunta sakin na may dalang baso ng tubig.

" Thanks ma.. " Sabi ko nang maabot ko yung baso ng tubig na dala ni mama.

" Sy, tumawag nga pala si Jenny dito kanina. Hinahanap ka, " Biglang sabi ni mama, napatingin naman ako.

" Bakit daw po? " Takang tanong ko.
Kasi bakit hindi nalang sa cp ko tumawag, at sa landline pa namin.

" Magpapaenroll na daw kayo mamaya, at mga 1 susunduin ka daw nila dito " Sabi ni mama, kaya naman napatango nalang ako bilang sagot.

Oo nga pala, hindi pa pala ako nakakapag enroll. Grabe naman kasi! Ang bilis ng araw , diko man lang na feel yung bakasyon. Hays ....

-

* Ding. Dong! Ding. Dong! *

" Nak! Pakitingnan naman kung sino yun, may ginagawa pa ako dito eh. Salamat! " Sigaw ni mama mula sa kusina. Tumayo naman ako sa sofa, at pumunta sa pinto.

" Hi best! " Masiglang bati ni Helen sakin, at nagsiyakapan silang tatlo.

" Bitaw! Di nako makahinga! " Angal ko at natatawa naman silang nagsikalasan sa pagkakayakap.

" Ano ready kana? " Tanong naman ni Kyla. Napakunot naman ang noo ko,

" Ay? Don't tell me hindi sinabi ni tita sayo? " Takang tanong naman ni Helen. Napalaki naman ang mata ko nang maalala ko na aalis pala kami. Geez! Ulyanin nako! Hahaha.

" Ay! Kunin ko lang bag ko, pasok muna kayo. Wait niyo nalang ako sa may sala. " Natatawang sabi ko, napapailing naman silang pumasok sa loob ng bahay.

Pagpasok nila sakto naman na kalalabas lang ni mama sa kusina, may dala pang sandok eh. Nagsilapitan naman sila nang makita nila si mama,


" Hi tita! " Sabay sabay nilang bati at yumakap kay mama, natatawa naman si mama sa ginawa nila .

" Hoy! Di makahinga si mama, bumitaw na kayo! " Sigaw ko. Kaya naman nagsi Peace sign sila,

Napailing nalang ako, mga loka loka talaga tong mga kaibigan ko. Hinayaan ko nalang sila na makipag usap kay mama, at dumiretso na ako sa taas para makuha ko sa kwarto ko yung shoulder bag ko.

Mabilis ko lang naman nahanap yung bag ko, kaya naman agad agad na akong lumabas sa kwarto. Pagkababa ko naabutan ko pa sila na nagtatawanan habang nag uusap,

" Guys! Nakuha ko na, " Bungad ko ng makababa ako kaya naman napatingin sila sakin.

" Paano ba yan tita? Una na kami. Next time nalang tayo magchikahan, " Paalam ni Helen.

" Osige sige lang. Umalis na kayo, at ng makapag enroll na. " Sagot naman ni mama.

Tumayo naman silang tatlo at nanatiling nakaupo si mama. Papalabas na kami ng pinto nang huminto sila, kaya nagtaka si mama. Pati din ako,

" May nakalimutan ba kayo? " Takang tanong ni mama.

" BA-BYE TITA! LOVEYOU! " Sabay sabay nilang paalam kay mama, natawa naman kaming dalawa ni mama. Ang kukulit kasi ng mga to!

" I love you too, sige na! Umalis na kayo, " Natatawang sabi ni mama. At nagsilabasan na kami,


--

Right Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon