Chapter One

951 6 6
                                    

*Narrator's POV*

Pinalipat-lipat ni Baek Hyun ang limang piso sa kanyang mga kamay.

"Chanyeol! Heads or Tails?" Hiyaw ni Bake Hyun mula sa kabilang dulo ng lamesa.

"Mukha mo Baek Hyun!" Pahiyaw na sagot ni Chanyeol. 

Mahigit limang oras na silang nakatambay sa starbucks. Kanina pa siguro nabuburaot ang may ari ng coffee shop sa sobrang ingay nila.

"Gung-gung ka talaga! Magdedecide nga kung papasok tayo bukas oh hindi eh." Sabat ni Sehn at napakamot lang ito sa ulo. Heads papasok tayo bukas, tails hindi tayo papasok." Wika ni Sehun.

"Unang araw ng pagiging Senior High School natin hindi agad tayo papasok?" Gulat na tanong ni Su Ho.

"Isa ka pang gung-gung! Kaya nga magko-coin toss diba?" Sabat ni Baek Hyun. 

Inihagis ni Baek Hyun ang limang piso sa ere at muling sinambot. Muli niyang tiningnan ang mga kasama at inilapag ang limang piso sa lamesa habang nakacover pa ng kanyang kamay. Unti-unti niyang tinanggal ang kamay.

"Ayun oh!" Hiyaw ni Su Ho ng makitang heads ang nasa-ibabaw.

"Sabik kang pumasok Su Ho ah! Ano to? Bagong buhay ka?" Pang-aasar ni Sehun.

"Tanga! Maraming freshman na chicks lalo na sa unang araw!" Excited na wika ni Su Ho.

"Yan? Magbabagong buhay?" Pangiting wika ni Baek Hyun. "Habang buhay ng babaero yang si Su Ho." Sabay halakhak ni Baek Hyun at Sehun.

"Good boy naman ako eh!" Depensa ni Su Ho.

"Sa unang linggo!" Muling pang-aasar ni Sehun

"Kasalanan yun ni Hyoyeon. Kung hindi nya ako niloko  nung tumino ako edi sana matino pa rin ako ngayon." Pasintemyentong balik ni Su Ho.

"Hindi dahilan yun para lokohin mo na ang lahat ng babaeng darating sa buhay mo." Wika ng isang boses mula sa likod nila. 

Agad silang napalingon sa likuran nila. 

"Kai! Upo pare!" Pag-anyaya ni Chanyeol. 

"Himala, wala ang EXO-M dito sa cafe ngayon?" Tanong ni Kain ng makaupo ito.

"Malay ko sa mga gung-gung na yun." Sabat ni Su Ho.

"Because EXO-K will dominate K-pop world without EXO-M!" Hiyaw ni Sehun at Baek Hyun.

Sabay naghalakhakan ang magkakaibigan. Mahigit six months na mula ng magkahiwalay ang EXO-M at EXO-K. Since 2011 magkasamang nagpeperform ang EXO-M at ang EXO-K ngunit simula pa ng una ay parang mainit na ang mga ito sa isat-isa. Halos sila ang madalas laman ng k-pop world news mula sa mga maliliit na initan nila on and off the stage hanggang sa magdesisyon ang magkabilang grupo na tuluyan ng maghiwalay.

Ang grupong EXO-K : Sehun, Baek Hyun, Chan Yeol, D.O, Suho at Kai.

Ang grupong EXO-M : Lu Han, Tao, Chen, Lay, Xiu Min at Kris.

Sa Kasalukuyan at si Kai ang tumatayong leader sa EXO-K at si Tao naman sa sa EXO-M. 

"Naayos na ba yung mga pinapaayos ko?" Simpleng tanong ni Kai. Iwinagayway nito ang mga kamay sa waiter sa counter. 

"Yung sa mga sections ba? Si Chan Yeol ang may alam, sya trumabaho nun eh." Wika ni Sehun sabay turo kay Chan Yeol.

"Miss waiter! Ano ba?! Di mo ba kukuhain ang order ko?" Pahiyaw na wika ni Kai na nakapukaw pansin sa lahat ng mga taong nasa coffee shop.

Not Your Typical TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon