Chapter Two

641 5 0
                                    

*Kai's POV*

Merong bagong mga mukha, merong mga pamilyar na mga gung-gung. Nakaraan. Nakalipas. Nangalat nanaman ang mga mata ng mokong na ito. Nakakapagtaka naman, sa buong grupo tatlo ang hindi pa dumarating. Nandito naman na si Suho, Baek Hyun, Chanyeol. Nasaan na kaya sila D.O at Sehun?

"Aaaaah! Isang kilometro pa ang layo ko ramdam ko na ang gulo." Wika ng isang malalim na boses mula sa likuran ng bench na pinagtatambayan nila.

Ito nanaman tong punyetang principal na gung-gung na to. Hindi na nga lang manahimik. Baka mabangasan ko pa itong gung-gung na ito.

Agad rin namang lumingon ang buong grupo.

"Uy! Mister Principal! Wazuuuup!" Wika ni D.O mula sa likod nakararating pa lang.

"Mister Do Kyung Soo, hindi mo ako katropa! Nasaan ang manners mo!" 

Ano ba yan. Unang araw puro dakdak na agad ng kalbong to ang bumungad sa kanya.

"Tara na nga." Wika ni Kai. Nakaka-bad-vibes na husto itong si kalbo. 

Agad namang sumunod ang mga ito sa kanya ng walang reklamo.

"Kim Jong In!" Hiyaw ni Principal Benjie Lawak.

Nakakaiirita talaga itong kalbo na ito ah! Parang lintang laging nakadikit sa grupo ko. 

Tumigil lamang siya sa paglalakad ngunit hindi na nya pa ito nilingon.

"Isa pang kalokohan mo at tuluyan ka ng mapapatalsik sa eskwelahan na to." Wika ng Principal.

"Edi mapapatalsik. Problema ba yun." 

Lumingon siya sa direksyon ng Principal at tiningnan lamang ito ng matalim.

"Isa ka lang K-Pop idol kung umasta ka akala mo kung sino ka na? Ha!?" Nanggigigil na wika ni Mr. Lawak.

"Tama ka," Napangiti si Kai at nilapitan si Mr. Lawak. Iilang sentimetro nalang ang layo nila sa isat-isa.  "Isa nga akong K-Pop idol kaya hindi mo ako kayang patalsikin sa pipitsugi mung eskwelahan."

"How dare you insult my institute!" Namumula sa galit na wika ni Mr. Lawak. "Get out of my school!"

Agad naman nakapukaw pansin ang pagtatalo nila ni Mr. Lawak lalo na at halos lahat ng mata sa eskwelahan na yun ay sakanila lamang nasentro.

"Splendid! Don't be sorry Mr. Lawak kung madala sa pag-alis namin ang mayayamang estudyante mo dito sa PIPITSUGI mong institute. After all, they came to see EXO-K, hindi ang eskwelahan mo." Sabay walk out ni Kai. Agad naman na sumunod ang buong grupo. 

"Saan kayo pupuntang lima?!" Galit na galit na wika ni Mr. Lawak.

Not Your Typical TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon