Chapter Five

546 5 0
                                    

*Narrator's POV*

"Guys! Focus naman oh!" Nagmamakaawang wika ni Kai sa mga kagrupo niya. Halatang distracted ang mga ito sa kaba.

"Kai, you must understand na ito ang una nating performance after we broke up with the other half of our group." Takot na wika ni Chanyeol. Hindi ito matigil sa paglakad paikot ng kwarto.

"Have we never done this before?" Wika ni Kai na pilit pinapalakas ang loob ng mga kasama nya. Kahit siya ay hindi rin maiwasan na kabahan pero walang magandang dala ang kaba sa stage.

"Nagawa na pero not without the other half of this group." Bulong ni D.O na parang nagsisisisi ito.

"So ngayon pa tayo di-depende sa kanila? Ngayong nitong mga nakaraang buwan na napatunayan natin sa mga sarili natin na kaya natin na hindi sila kasama?" Marahas na tumayo si Kai at itinaas ang kanang kamay. "We worked so hard for this moment tapos ano? You'll all chicken out in the last minute?" Desperado na sya.

"Come to think of if, tama si Kai." Tila nahugutan ng tinik sa lalamunan si Kai ng magsalita si Sehun at tumayo sa tabi nya. "We were strong with them, but without them we're stronger than any K-pop idols, groups and bands out there!" Mas matatag pa na wika ni Sehun.

"Tama Sehun! At hindi enough na we know that we are stronger than any idols, we must show them that we really are stronger and we shine brighter than any of them." Masiglang wika ni Kai sa mga kagrupo.

"Yeeeaaah!" Sagot ng iba pa nilang kagrupo.

Agad na nag-apir ang mga ito at nag-huddle. 

"This is it guys. Nandito na tayo sa M Countdown ulit but this time, stronger and wiser!" Isa-isang tiningnan ni Kai ang kanyang mga kagrupo. "Fighting!" 

"Fighting!" Sabay-sabay nilang wika.

Agad na naputol ang kanilang selebrasyon ng may marinig silang halakhakan sa likod. 

"How romantic!" Wika ni Tao sa naniningkit nitong mata. "Nakakasuka." Sabay halakhak at agad namang humalakhak ang mga kasama nito. Ang EXO-M? 

"This is not your event, rookies." Wika Kai sa matigas na tono.

"Still naive as always," natatawang wika ni Lay. "They intentionaly put us in the same show at the same time." 

"No wonder why we left you guys." Nangingiting wika ni Chen. 

Kabadong napalingon si Sehun kay Kai.

"Paano nangyari yun? Hindi ba at tayo lang ang magpe-perform ng comeback natin?" Pabulong na wika ni Sehun mula sa harap nya.

"It doesn't matter guys," direcho lamang ang tingin ni Kai kay Tao. "Mas mataas ang level natin sa mga yan. At mas marami tayong fans." Wika ni Kai habang naka-ngisi.

"For real?" Nasapo ni Xiu Min ang kanyang bibig para pigilan ang sarili sa pagtawa ng malakas. "Medyo assuming ka naman yata Kai?" 

"Iba ang assuming sa knowing Xiu Min." Napatawa si Kai na tila di nya maseryoso ang usapan. "Ano ang pinagkaiba ng assuming sa knowing?" Tumungo siya at muling tiningnan ang buong grupo ng EXO-M ng matalim. "Parang tayo. Ang EXO-M na assuming na kaya nilang mag-break through sa market ng korea at ang EXO-K na knowing what this country loves. And that's definitely not you, EXO-M. EXO-K will dominate, tonight and forever. And also..."

Hindi na naituloy pa ni Kai ang sasabihin niya ng may isang babae ang nagmamadaling pumasok sa kwarto kung nasaan sila.

------------------x---------x

*Yuri's POV*

"Hoy miss! Bumalik ka dito!" Hiyaw ng guwardya kay Yuri habang hinahabol siya nito.

Not Your Typical TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon