3 - Is it too late to say Sorry?

116 5 2
                                    

Is it too late now to say sorry?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Is it too late now to say sorry?

Isang taon na ang nakakaraan noong dumating ka sa buhay ko, ginulo mo yung nananahimik kong mundo. Sinanay mo ako na laging kausap ka, na close tayong dalawa. Minsan hinihiling ko na sana hindi na lang nangyari e. Hindi na lang sana ako nasanay na nandyan ka, unti-unti mong pinasok ang sistema ko pati na rin ang puso ko. Hindi ko na matandaan kung kailan, paano at bakit. Minahal kita, pero may nagawa akong malaking kasalanan sa'yo. I feel guilty. I really do, pero hindi ko alam kung papaano pa aahon dahil lubog na lubog na ako. Masyado na akong nag-enjoy sa pagpapanggap ko na ibang tao para lang makausap ka. Kung sakali man sana na dumating ang panahon na malalaman mo yung kalokohan na nagawa ko sa'yo, ay mapatawad mo pa ako. Nagawa ko lang naman 'yon dahil sa kagustuhan na makausap ka dahil kung ako mismo, yung sarili ko mismo, alam kong hindi mo ko kakausapin or kung kakausapin mo man ako ay minsan lang. Hindi na katulad noon.Nakakamiss yung dati na malabo ng mabalik dahil sa mga nangyari. I swear nakokonsensya na ako sa ginagawa ko, pero hindi ko na alam kung papaano sasabihin sa'yo. Natatakot akong mawala ka ng tuluyan lalo na ngayon na masaya ka na sa piling niya kaya sa ngayon dito ko na lang muna sasabihin.

- OrdinaryGirl

24, Manila.

Unknown Secrets RevealedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon