Confess now and tell the world what your really feel.
If you are interested, just like this page and send your confession thru message.
http://www.facebook.com/yaaannkasi
by: Rhy Hernandez
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Bitaw Na"
May mga bagay talagang itinadhana ngunit pinagtagpo lang. Oo ang sakit na pinagtagpo lang kayo at maging masaya ng panandalian. Pinaasa sa mga makukulay at mabubulaklak na mga salita. Inakala mong siya na , kayo na hanggang sa dulo. Umasa na sapat na lahat ng pagmamahal at sakripisyo na binigay nyong dalawa. Umasang sa bawat gusot ng damit ay may plantsang magtutuwid nito muli. Naging panatag sa pundasyon na nabuo nyo sa pagitan ng mga pamilya. Naniwala sa mga pangakong ang hirap paniwalaan pero binigay mo ang buong tiwala. Sa bawat pag patak ng mga ginintuang luha sa iyong mga nagnining ning na mata ay naniwala na maaayos pa. Naniwalang pagsubok lang ang mga nangyayari at bukas paggising mo maayos na ulit ang lahat. Sa nagdurugong puso mo na halos bumitaw na ngunit mas pinili mong magtiwala sa kanya. At sa huling pagkakataon, masakit man kusa kang bumitaw sa mahigpit na pagkakahawak at hinayaang sumunod sa malakas na daloy ng tubig sa dagat at sa ihip ng hangin kahit di alam kung san ka mapaparoon. Sa pagbitaw na ito ay binigyang mong kalayaan ang sarili upang mapadpad sa lugar na tinatawag na paraiso.