"Silent but Deadly"
ganto kasi yon.... natatae ako. yung sobrang tae talaga. pero mahirap xang ilabas at baka magkatinginan silang lahat. taeng tae to the point na ayaw pang sumunod sa utos ng utak ko... tae na nga lang pero feeling nya may damdamin xa... ayun di nagpapigil. ibinunyag nya sa lahat ng nasa lrt ang sama ng loob ko (laman loob yun ah). PFFT... wika nya! kung kaya ko lang singhutin ang lahat ng hangin kumawala sa loob ng LRT ginawa ko na. pero hindi. sadyang may mga bagay na pilitiin mo mang bawiin.. dahil nagawa mo na. nasaktan na sila. ikaw naman tong si tanga. magtatanga tangahan pa. pero alam ng bawat isa na ikaw! oo ikaw talaga ang umutot ng may tunog. bumulwak sa pagitan ng mga pisngi ang simbolo ng paghihimagsik. paunang bayad sa sobrang pagpapalobo ng bilbil mo. hudyat ng nalalapit na pagyanig ng kalamnan at pagsabog ng pwetan. taena... dali dali akong bumaba ng tren kasi di ko na kaya. salamat nalang at may mcdo pagbaba ko ng pedro gil. mapayapa akong nagkumpisal ng mga kasalanan.
- Nakaraos
Baby Face ng Pasay
BINABASA MO ANG
Unknown Secrets Revealed
RandomConfess now and tell the world what your really feel. If you are interested, just like this page and send your confession thru message. http://www.facebook.com/yaaannkasi by: Rhy Hernandez