"PS: Sorry"
Nung una kitang nakita iniiwasan na kita ng tingin dahil ayokong mag assume at maging feelingera.That was the time na kakauwi lang namin galing school at dumeretsyo sa bahay ng boyfriend ng kaibigan ko.Nagkayayaang tumambay sa labas at bigla kang dumating.Pinakilala ka nila sakin at nag hi naman ako.Nung una talaga hindi kita pinapansin.
Ako kase yung tipo ng tao na bawat galaw mo at titig mo lang sakin binibigyan ko na kaagad ng meaning.Pero nagawa ko naman yung tama at hindi ko akalain na sasabihin sakin ng kaibigan ko na may gusto ka daw sakin at hindi ko talaga yon nahalata.
Magkikita lang tayo tuwing tatambay ako o sasama ako sa kaibigan ko.Nagkataon naman na birthday ng isa naming tropa na matagal mo na ding kakilala.Nagkataon na nag karoon ng "inuman" kaya naki-enjoy na din ako. Hindi ko akalain na sa araw na yon doon mo inamin na may gusto ka sakin.Syempre ako naman tong si Oo lang.Oo gusto kita pero gusto lang talaga kita at hindi pa ko handang mag boyfriend.
Kinabukasan bigla ko nalang nalaman na naging tayo pala.Hindi ko akalain na naparami pala ako ng shot kaya hindi ko talaga maalala. Nagkalinawan naman tayo pero bigla akong nakonsensya dahil parang pinaasa kita.Kaya tinuloy ko nalang.
Totoo namang gusto kita nangyari lang ng biglaan kaya hindi ako nakapagdesisyon ng maayos. Natuwa naman ako dahil nagagampanan mo naman yung pagiging boyfriend mo.Hindi ka perpekto pero hinahayaan mong sundin lahat ng mga sinasabi ko para sayo.Dahil alam kong magiging maayos ka at uunahin mo na yung sarili mo.
Kahit na sa edad mong 18 years old namamasada ka na kaagad.Maganda yon! Dahil nakakatulong ka sa mga magulang mo.Kahit na grade 6 lang natapos mo mas may manners ka pa kaysa sa ibang tao na pinapatunayan mo na kahit may pinagaralan ang isang tao mas makikita mo pa din ang magandang kalooban nila sa way ng maganda nilang pagtrato sa kapwa nila.
Pero ako tong may mali.Masyado akong naging apektado sa mga sinasabi ng iba at lalong lalo na sa mga magulang ko.I'm trying my best na tanggapin ka pero sobrang hirap.Ngayon palang gusto ko ng magsabi ng SORRY kahit alam ko namang walang magagawa yung sorry ko.
PS.Im so sorry. -K.
- Blogger Secret Files
Tumblr
BINABASA MO ANG
Unknown Secrets Revealed
RandomConfess now and tell the world what your really feel. If you are interested, just like this page and send your confession thru message. http://www.facebook.com/yaaannkasi by: Rhy Hernandez