Confess now and tell the world what your really feel.
If you are interested, just like this page and send your confession thru message.
http://www.facebook.com/yaaannkasi
by: Rhy Hernandez
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Boxer Brief"
Ngayong araw iniwan ako ng isang bagay na mahalaga sa buhay ko, sinukuan niya din ako, akala ko sa tinagal-tagal ng aming pagsasama eh hindi niya ako iiwan. Pero kagaya din pala siya ng iba, susukuan niya rin ako. Akala ko matibay siya, akala ko hindi siya mapapagod sakin. Pero ayun, kagaya ng iba, napagod at sumuko din.
Lagi siyang nandyan sa tabi ko through ups and downs. Pero bakit mo ako iniwan? Akala ko ba walang iwanan? Alam mo bang ikaw lang ang nagbigay ng ginhawa sakin? Ikaw lang yung nagparamdam sakin ng supportang hinahanap ko. Pagkatapos ng mahigit isang taon nating pagsasama, heto at bumitaw ka. Mas matagal pa nga kita nakasama kesa sa mga nakarelasyon ko. Pero bakit? Bakit ka bumigay? Bakit ka sumuko? Bakit ka nang-iwan sa ere? Siguro napagod na siya, mahigit isang taon din siyang nagtiis saken.
Yung tinutukoy ko eh yung Boxer Brief ko, maliligo na sana ako, kinuha ko sa aparador yung Boxer Brief nung mapansin kong punit-punit na yung bandang singit at bandang laylayan nito. Nakaramdam ako ng labis na pagkaawa sa sinapit ng Boxer Brief ko, gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang damayan, gusto ko siyang isalba pero huli na ang lahat, bumigay na siya, sumuko na siya. Siguro masyado na siyang nasasaktan sa tuwing pinapaikot ng ilang beses sa Washing Machine. Siguro masyado na siyang nalaspag sa tuwing ginagamit ko siya ng paulit-ulit ng baliktaran. Wala akong magawa kundi hayaan na siyang magpahinga, tanggapin ang katototohanan na may mga bagay na hindi nagtatagal. At itinupi ko siya ng maayos at inihatid sa kanyang huling hantungan. Sa basurahan. Salamat sa mahigit isang taong na pagsasama. Mamimiss kita.