CHAPTER 3

2K 67 2
                                    

Tristan POV

After I fix my Bed, I went to OUR kitchen to cook food.

Yes.. Our, dahil . Kasama ko ang kapatid ko. Kaasar. Yung prinsesa, akala nya ako yung kapatid ko or more like to say

Zynin.. Ang nerd kong kapatid

" Hey Zynin! Ginamit mo nanaman yung power mo kanina noh!!" Sigaw ko sa kanya

Napa-kunot yung noo nya habang paupo sa upuan.

" Hindi ah" tanggi nya

" Anong hindi?! Gagamitin mo talaga yung mukha ko!" Sigaw ko

" Aish..." Bulong nya

Hay. Talagang hindi ko makakalimutan.

Yung araw na yun

Masaket.. Nawala ang pamilya namin

FLASHBACK

10 years old.

10 years old palang kami ni Zynin

Bumisita kami sa Quieren Mountain/ Quieren Kingdom. At sinalubong kami ng apat na ladies

" Hi tita Amber!" Bati namin sa kanila

Pinsan ni Mama si Tita Amber, kaya mas close kami sa kanya kesa sa ibang ladies

" Sige, alis muna kami Amber" paalam ni Tita Aishia

" okay!" tita Amber

" Tara, Tristan, Zynin. May pupuntahan tayo.. May sasabihin din ako sa inyo"

Sumunod lang kami kay Tita. Wala kaming alam ni Zynin. Basta ang alam lang namin. Safe kami kapag kasama si Tita Amber.

" Umupo muna kayo" yung kaninang jolly na Tita Amber namin, nawala. Sobrang seryoso nya kaya natahimik kami ni Zynin

" Zynin at Tristan. May ipagtatapat ako sa inyo"

" Hindi nyo tunay na Ama at Ina si Joel at Lia"

Parang pinagsakluban ng langit ang lupa ang katawan namin

Bigla ring humigpit ang hawak ko sa tubig na iinumin ko sana. Maya-maya pa. Nabagsak ko yung tubig

"T -Tristan"

" HINDI! HINDI TOTOO YAN!" Sigaw ko

" Trisatan.. Maniwala ka.."

" Pano ako maniniwala?! Lumaki kami kasama si Mama at Papa! Nagsisinungaling ka lang!" Sigaw din ni Zynin

" Hindi.. Iku-kwento ko sa inyo lahat. Oo, totoong pinsan ko si Lia. Pero, hindi Sya ang tunay Nyong ina. Si Qeira (pronounce as Ki-ra) ang tunay nyong ina, sya ang sagradong reyna ng mga apoy. Kayong dalawa ang nawawala nyang anak. 20 years ago, bago kayo napanganak. Nakilala ni Qeira si Asrael o kilala bilang magaling na knight sa isang syudad, sobrang bait ni Asrael kaya madaling nahulog si Qeira sa kanya. Subalit, ayaw ng mga magulang nilang magkatuluyan sila. Ang turing ng ama ni Qeira o kilala bilang Hari, ay hindi nababagay ang prinsesa, sa isang madungis at isang sundalo. Dahil maaring masaktan ang prinsesa kapag namatay sya sa mga digmaan. Ayaw din ng ama ni Asrael ang prinsesa dahil masyadong mababa ang turing sa kanila. Pero, mahal din ni Asrael si Qeira kaya napagdesisyunan nilang magtanan... Minahal nila ang isa't isa. At nagtagal sila ng 20 na taon. Pero ng ipanganak nila kayo. Ay, nagkarong ng digmaan sa mga sundalo at mga alagad ng hari. Kaya nagkagulo at nahanap sila.. Hanggang sa isuko ni Qeira ang anak nya o kayo, Tristan at Zynin kay Lia at Joel. Dahil mamamatay na sila, mamamatay na sila kasi gumawa ng sumpa ang hari na mamamatay lahat ng mga anak nya. Dahil sa init ng ulo ng hari, nagawa nya yun at tumubo ang isang bulaklak na tinawag nilang 'PAGSISILAW' o mas tumatak sa mga tao na bulaklak ng pagsisisi. Sila Joel at Lia ay naligtas dahil pumunta sila dito sa palasyo."

Atelier Magic Academy (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon