Prologue

877 19 0
                                    

"Arabella makulit na bata, ano ‘tong report card mo?" tanong ng ni Nicolo.

"Ang ganda no? Terno grades ko mula English hanggang Sibika," pabalang na sagot niya sa kaibigan niya. Grade 6 na si Arabella, si Nicolo naman ay nasa 4th year high school. Palagi silang magkasama pauwi halos araw-araw. Nagsimula lang sa konting asaran hanggan na kagawian na nilang hintayin ang isa't isa tuwing uwian.

"Oy! Saan ka pupunta?" tawag ni Nicolo kay Arabella. Ibang direksyon na ang tinatahak nito. "Bata! Dito ang daan pauwi hindi jan!"

"Oo alam ko! Kaya nga dito ako dumaan e"

"Ayaw mo namang umuwi?"

"Mangingisda lang ako, walang pagkain sa bahay e,"

"Sama ako! Wala ring panghapunan sa bahay,"

Pagdating nila sa tabing ilog. "Oh Nicolo! Dali! Hayan pa oh! Ang bagal mo! Dali! Hulihin mo!"

"Ang ingay mo Bella! Natatakot sa'yo ang mga isda," basang-basa na si Nicolo sa panghuhuli. "teka nga. Ako ba talaga ang nagplanong manghuli ng isda? Eh ba't nakaupo ka lang jan sa batuhan,"

"Eh mas magaling ka jan e, ako na lang ang magbabantay ng mga nahuli natin saka ako na rin ang magchi-cheer sa'yo saka turo ko sa'yo ng mga dapat hulihin. Oh di ba mas marami akong ginagawa kesa sa'yo? Wag na kasi mag reklamo,"

"Oo nga naman," he surrendered. "Uwi na tayo, tama na 'tong nahuli natin,"

Naglalakad sila pauwi. "Adie!" tawag ng boses ng babae. Pagkalingon nila, "Mom!" wika ni Arabella. "Bye Nicolo!" saka dumeretso auwi si Nicolo at lumapit naman si Arabella sa mommy niya.

"I told you not to befreind that kid, magagalit na talaga ako sa'yo, anak," saway ng Mommy niya.

"Mom, he's kind and always helping me,"

"E sinu-spoil nga yan ni Nicolo Ma'am eh, laging binibigay lahat ng gusto ni Ma'am Adie," sabat ng yaya niya.

"Yaya, ang sabi ko wag sasabat di ba?"

"Ay opo Ma'am. Sorry po,"­­­

"At ikaw namang bata ka, pagnalaman ng daddy mo na magkasama naman kayo ng batang 'yon, magagalit 'yon. That kid isn't as nice as you think," pagsesermon ng mommy nya.

"Mom, there's always kindness in every persons heart,"

"Naku, at sa'kin mo pa talaga binalik ang mga tinuro ko," napakamot na lamang ng ulo ang kanyang ina. "Come here little girl, hayan na ang daddy mo,"

Nasa terasa naghihintay ang ama niya. Mukhan galit na galit.

"Daddy! Fish po oh. Marami akong nahuli," pagmamalaki nito.

"You're leaving to America Adie,"

"Dad?"

"You're leaving,"

"Why?" nagtatakang tanong nya.

"Because there's a better life there than staying here and making friends with a Cervantes!"

"Dad! You can't do this,"

"Oh look," sabay pakita ng plane ticket nito, "I just did, Arabella,"

"Daddy naman. Hindi lulubog ang negosyo natin kung makikipagkaibigan ako ka Nicolo,"

"I don't like him. Every little detail of him,"

"Dad! Masama po 'yan"

"We'll okay, I'll stop...but you're still leaving,"

"Mom," harap nito ang mommy niya at nagmamakaawa.

"You're grades are in trouble too, anak. Hindi yata maganada ang impluwensya sa'yo ng batang Cervantes," sagot ng mommy nito.

"How many times should I tell you? His name is Nicolo," naiinis na sya.

"Oh, it won't change anything. He's still a Cervantes," sagot ng daddy niya.

Matindi lang talaga ang galit ng daddy niya sa pamilya ni Nicolo. They we're best of friends back when they were younger pero nang dahil sa negosyo at pataasan ng naabot tila na wala na ang kanilang pagkaka-ibigan. Lalo na ng ang naging dahilan ng minsang pagbagsak ng kumpanya ng mga Monteverdi ay ang kanyang minsan ng naging kaibigan.

Arabella's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon