~~•~~
The Beginning
~~•~~"Mommy, si daddy nalang po mag hahatid sa akin sa upuan ko sa graduation." - sabi ko kay mommy habang kumakain kami ng breakfast bago mag punta ng school.
Pinag-uusapan kasi namin yung graduation ko. 2 weeks nalang kasi g graduate na ako ng high school.
"Anak, Ayaw mo bang ako nalang?" - mommy
"Mommy... ikaw na nga nung grade school ako eh. Tapos ikaw na naman ngayong high school." - malungkot kong sabi kay mommy. "Tska ayaw mo nun mommy para hindi ka na rin mahirapan." - dagdag ko pa.
"Okay. Kung yan ang gusto mo." - pabuntong hiningang sabi ni mommy na ikinatuwa ko.
"thank you mom! Una na po ako sa school" - pagkasabi ko nun hinalikan ko na si mommy sa pisngi.
Palabas na sana ako ng dinning room nang biglang nagsalita si mommy. "Pero anak, kung hindi dumating ang daddy mo ikaw lang ang mag isang maglalakad papunta sa upuan mo." - sabi ni mommy na ikinalungkot ko pero hindi ko ipinahalata sa kanya at umalis nalang.
~
Habang papunta ng school naalala ko na naman yung nangyari noong graduation ko nung grade six.
Ang sabi kasi ni daddy na uuwi daw siya nun pero hinintay ko siya hindi siya dumating.
Sana naman ngayon hindi niya ako biguin...
"Bella! Sabay na tayo!" - rinig kong sigaw mula sa malayo. Paglingon ko si Elizabeth lang pala ang bestfriend ko since grade one.
"Oh! ba't mukhang malungkot ka Bella?" - tanong ni Elizabeth pag kalapit niya sa akin. "tsaka nasaan si tita bakit hindi kayo sabay ngayon?" - dagdag niya pa sa tanong niya.
"Wala.. tara na nga't baka malate pa tayo." -ngumiti naman ako ng peke para maniwala siya.
"Cleobella Demetria Garimella! kilala kita simula bata pa tayo. Ang aga aga pa hindi pa tayo ma l late." - sabi niya sa akin sabay hila sa'kin papunta sa canteen
"Kailangan talagang complete name?" - iritang sabi ko sa kanya pag karating sa canteen.
"Ganun talaga practice narin yun para sa graduation. Dali na kwento na!" - sabi niya sabay titig sa akin.
BINABASA MO ANG
I WILL SURVIVE
General FictionA Goodbye is most painful when you cant explain it in words. IT HURTS TO LET GO. But sometimes it hurts more to hold on.