~~•~~
Second Year
~~•~~Still on flashback
Pagkatapos ng isang taong pangangapa, panibagong taon na naman ang aming hinarap at habang nagdaraan ang mga araw, marami kaming bagay na natutunan at laging linya ay "Ah, Ganun pala!?" kala mo madali, mahirap pala. Akala mo mahirap, madali lang pala.
Naalala ko pa idol na idol namin yung mga higher years, lagi naming sinisilip sa kabilang room 'yung ginagawa nila para next year, alam na namin ang dapat gawin.
Syempre isa pa sa mga linya namin ay "aayusin ko na talaga ngayong year".
Sabi nila, ito yung pinakahayahay na taon kasi hindi ka naman kakabahan sa kung anong meron sa high school,
wala namang ENCAE, NAT o anumang mga test na exclusive lang sa year level ninyo lalo namang hindi ito ang Last Year at kailangang maghanda para sa career pero syempre hindi naman sinabi na "wag mag-effort".
Mga panahong din ito ay nasaksihan naming ang pag-iibigan ni Florante at Laura,
sabay-sabay nagalit kay Sultan Ali-Adab at Adolpo,
nagbatuhan ng salita sa balagtasan,
naguluhan sa Arithmetic,
Nagpaligsahan sa Biology, simuLa sa nucleus na napakahalaga hanggang sa cell na siyang bumubuo sa Organ, sa system, sa buong katawan.
Hanggang sa pagsasalamuha ng bawat nilalang sa kapwa at kapaligiran at nakabisado na din ang bawat Capital, kasaysayan at kultura ng bawat bansa sa Kontinenteng Asya.
Nahiwalay yung mga kaklase namin nung nakaraang taon pero may nadagdag din naman galing sa ibang section na dati naming kakompetisyon syempre may nag mula din sa ibang school. Nang magkkilala, nagkasundo, naging mag kaibigan at BOOM nagkaroon ng grupo-grupo.
Nandyan yung mga tahimik, mga rock, mga kikay, mga malalakas ang trip, mga geek at nerd at mga walang pakialam.
Pag sinabi ng teacher na "Okay, Choose your mem~~" magtatakbuhan agad sa mga friends. Paligsahan doon, pagalingan dito pero sa huli iisang seksyon pa din ang turingan, nag kakaisa sa bawat laban, nag susuportahan sa kada paligsahan.
Naging mahirap man, sa tulong ng mga guro at classmate na amin na ding mga kaibigan ay nagawa naming lampasan ang lahat. Pangalawang taon na namin ito, sumaya na at definitely nag-EENJOY NA KAMI.
~~•~~
BINABASA MO ANG
I WILL SURVIVE
Aktuelle LiteraturA Goodbye is most painful when you cant explain it in words. IT HURTS TO LET GO. But sometimes it hurts more to hold on.