~~•~~3rd Person's POV
Year 199x
Ang mag asawang si Mr. and Mrs. Garimella ay masayang masaya nang nagkaroon sila ng unang anak na lalaki na si Franco Garimella nang mag dalawang taong gulang na si Franco nasundan naman siya ng babae na ikinatuwa lalo ng mag asawa at pinangalanan nila itong Avianne Mae Garimella masayang masaya ang pamilyang Garimella lalo na ang haligi ng tahanan na si Mr. Devansh Garimella lalo na nung nalaman niyang nagdadalang tao ulit makalipas ang dalawang taon ang kanyang asawa na si Mrs. Chesca Garimella.
~
Ngunit isang araw kinakailangang bumalik ni Devansh sa India dahil kailangan niyang alagaan ang kanyang ama dahil inatake ito ng sakit sa puso at kina kailangan itong operahan. At dahil nga nag iisang anak si Devansh ng kanyang ama't ina at matanda na rin ang kanyang ina kaya siya lang ang maaaring mag alaga sa kanyang amang nasa hospital sa India.
Si Devansh ay isang Pilipino na may lahing Indian na namana niya sa kanyang ina dahil ang kanyang ina ay pure indiana at ang kanyang ama naman at isang magiting na Pilipino.
~
"Mahal ko, pangako babalik ako agad kapag magaling na si ama. Alagaan mo ang iyong sarili at ang ating mga anak. Mahal na mahal ko kayo." - Sabi ni Devansh bago siya umalis sa kanilang bahay. Tanging ang driver lang nito ang maghahatid sa kanya sa airport dahil malapit naring manganak si Chesca kaya hindi na pinayagan pa ni Devansh na sumama pa ito sa paghatid sa kanya.
~
Lumipas ang dalawang buwan simula nung umalis si Devansh ay kumuha na ng kasambahay si Chesca dahil nahihirapan narin siya. Na c contact at nakakatanggap naman siya ng pera mula kay Devansh bukod pa dito ang nakukuha niyang sahod sa pag g guro.
Lumipas pa ang mga araw at manganganak na si Chesca. Sa kanyang panganganak kasama niya ang kanyang ina at ang kanyang stepdad.
Nang nakalabas na ang babaeng sanggol ito'y malusog at napaka gandang sanggol. pinangalanan ito ni Chesca ng Cleobella Demetria Garimella.
Tumawag naman agad si Chesca sa India para balitaan ang kanyang asawa. Tuwang tuwa naman Devansh sa kanyang nabalitaan na tila ba'y gustong gusto na nitong bumalik agad ng Pilipinas ang kaso hindi pa magaling ng kanyang ama at hindi niya rin pwedeng iwan nalang basta ang kanyang trabaho. Kaya kahit gusto niya pang makita ang kanyang anak ay tiniis niya muna ito.
~•~
Makalipas ang apat na taon at kaarawan na ni Cleobella Demetria at ito rin ang araw ng pagbabalik ng kanyang amang si Devansh.
Sa kaarawang ito ni Demetria ay imbitado lahat ng kanilang kamag-anak, kapit-bahay, at kaibigan. Imbitado rin ang mga kamag-aral nila at kasama sa trabaho ng kanyang ina. Pati narin ang kanyang mga ninong at ninang.
Ang lahat ay nagsasaya maliban kay Demetria dahil wala pang lumalapit sa kanyang nagpapakilalang ama niya. Tumayo nalang si Demetria at lumabas ng venue ng kanyang kaarawan para duon na lamang hintayin ang kanyang ama.
Lumipas pa ang mga oras at nag uuwian na ang mga bisita pero wala talaga ang kanyang ama.
Si Demetria ay isang bata na naghahanap din ng pagmamahal ng kanyang ama. Kaya labis siyang nalungkot nang hindi nakapunta ang kanilang ama.
BINABASA MO ANG
I WILL SURVIVE
General FictionA Goodbye is most painful when you cant explain it in words. IT HURTS TO LET GO. But sometimes it hurts more to hold on.