Five

6 0 0
                                    


~~ Time Flies ~~

  Fourth Year!!!


Hindi literal na nagkakaroon ng pakpak ang mga orasan ha o 'di kaya nagliliparan ang mga numero. Pag sinabing time flies, ano kasi yan 'tayutay' na ang ibig sabihin napakabilis ng panahon. 'yung mapapasabi ka nalang na "parang kailan lang." ";hala oo nga noh? Ang bilis ng oras!" "dati kasiya pa 'tong uniporme ko sa akin ngayon parang puputok na." Parang High School Life, diba parang kahapon lang bata ka pa. Nene days kung tawagin nila ngayon, nahihiya ka pa ngang ithrowback yung mga freshman photos mo eh. tapos ngayon akalain mo gagraduate ka na!



JUNE, JULY, AUGUST

First Grading! Syempre sipag sipagan yan, malamang graduating eh dapat magpakitang gilas. Dahil sa huling taon na dapat push na push sa pag-aaral. Duhh! mag kacollege na kaya next year, hindi bast basta joke yun na tatawanan mo lang noh! Dun ka gagawa ng future mo kaya dapat now is the time to shine! Nalalapit na ang iba't - ibang entrance exam tapos di ka magtitino Hay Naku! Yan ang lagi kong iniisip para naman kahit papano umatake yung kaunting kasipagan na natitira sa buong pagkatao ko.


Naeexcite pa rin sa mga bagong gamit. Feel na feel sulatan ang mga bago at makikinis na notebook, bet na bet gamitin ang magagandang ballpen dahil matitingkad na tinta nito at tuwang-tuwa sa bagong bag. Aba'y kahit high school pabonggahan pa rin!


Pagdating naman sa mga friends sa ilang taon ba namang pagkikita sa school halos araw-araw mong makikita 'yang mga mukhang 'yan sanayan lang. Yung iba lalo mong naging close, yung dati mong bestfriend kaaway mo na ngayon at yung dati mong kaaway aba-aba bestfriend mo na, bongga!! Sa sampu mong kaibigan swerte mo na kung may tatlong  totoo sa iyo ganyan sa high school.


Ngayong 4th year na namin nakilala ang mautak na si Simoun, Nalaman ang kapangyarihan ni Athena at pinakakomplikado ang mga letra sa Matematika.



SEPTEMBER, OCTOBER, NOVEMBER

Second Grading Na!!! Nahahati na ang kasipagan, unti-unti nang lumalabas ang katamaran, pero push parin! kailangan eh, nakakatuwa pa namang makakuha ng line of 9 sa card, feeling mo genius-geniusan ka! Tapos naeexcite kang ipapirma sa mga magulang mo dagdag baon din yun noh!


At syempre FOUNDATION DAY ng  eskwelahan, nagkaroon ng konsert syempre pa may rakrakan, dagdag na naman sa memories na itetreasure ko dito sa school. Yung tipong pagbinalikan mo yung yung mga pictures na inupload mo sa facebook mapapahalakhak at mapapangiti ka nalang talaga pag naaalala mo.



DECEMBER, JANUARY

Third Grading NA!!!!  unti-unti nang nararamdaman ang simoy ng bakasyon kaya 'yun tuluyan nang sinumpong ng katamaran, may mga umaabsent na, samantalang ang mga friendship bonding bonding na. may mga nag aaway at may mga samahang tuymibay.


Sama-samang nagcarolling, sumama sa Christmas Party at gumala sa 2 linggong bakasyon. Hoo!! Hindi pa tumigil pati yung mga natanggap na pera pinangpasyal pa ng iba, hmmm aminin!



FEBRUARY, MARCH

FOURTH GRADING NA!!! Dito basag na ang utak ng lahat dahil kabi-kabila ang pag-aaral para sa nalalapit na NAT, nakakakaba dahil halos lahat ng titser namin ito ang bukang bibig "tandaan niyo kayo ang huling kukuha ng NAT kaya dapat lang na mataas ang inyong marka" 


HAyst! Buti nalang merong SENIOR'S NIGHT, party paty dun, mga memories na talagang hindi mabibili ng pera! At ngayong matatapos na nga kami, halo halo ang damdamin. May 

matutuwa dahil sa wakas matatanggap na namin ang diplomang apat na taon naming pinaghirapan nang magkahalong sipag at katamaran, syempre pa andyan din ang lungkot dahil malalayo na sa mga kaibigangt naging kaaway mo din minsan isang araw.


Talagang sa bawat panahon, dumarating ang isang pagtatapos na maaaring masaya, malungkot, nakasasabik at maaari din namang dumaan lang na parang hangin, ngunit lagi nating iisipin na ang pag tatapos ay daan para sa isang mas exciting na buhay sa kolehiyo.


~~~~~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I WILL SURVIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon