~~•~~
Third Year
~~•~~
Panibagong taon na naman! Kahit papaano nakakayanan pa naman! Nakakaya pang intindihin sila X at Y, unawain ang nakadudugong Ingles, hukayin ang mundo ng Siyensya at alamin ang sariling wika. Heto na nga, Junior na kami medyo nagmamature na o diba mapapa "naks" ka talaga!
Bilang mag-aaral ng ikatlong taon gamay na namin ang siste sa bawat sulok ng aming paaralan, Bawal ang miniskirt, huwag ka munang mag madaling mag make-up high school ka palang, kalimutan mo nang mag-suklay wag lang ang I.D, subukan mong gayahin ang makukulay na buhok ng artista lagot ka talaga at kung ikaw ay lalaki huwag na huwag dadaan sa Guidance Office baka ikaw ay maukaan at baka matulad ka sa iba na takip panyo sa ulo para matakpan. Mga batas at alituntunin na unti-unti na naming nakakasanayan, hindi na naninibago at alam na kung paano madidiskartehan.
Ganun pa ring mukha ang aming nakita sa iba naming kaklase. Ang iba'y nalipat sa ibang kwarto pero di naman nakakalungkot kasi kahit anong gawin magkikita't magkikita pa rin kayo sa munting paaralan. Malamang bagong mukha ng mga guro ang sa amin ay sumalubong, mayroon pa ring terror at mayroon pa ring dabarkads kung makipagbondingan. Yung ibang grupo ay nabuwag ang iba ay hindi man lang lumuwag.
Sa kalagitnaan ng aming kasiyahan, humirap ang mga aralin, lalo pang dumami ang gagawin. Nasubukan ang galing ng isipan, ang tibay ng katawan sa totoong laban ng pag-aaral. Pero syempre estudyanteng nakakadiskarte lahat ay nalampasan.
Isang krusyal na taon ang Junior Year, dito na nahuhubog ng lubos ang aming kakayahan, nahahasa ang isispan at nagkakaroon ng iba't-ibang karanasan. Syempre nagiging dalaga't binata na, nasubukan nang mag ka lovelife ang tawag jan puppy love, mga inspirasyon nila upang magsipag sa araw - araw! haha. Tapos kapag broken hearted na aabsent absent, yan tayo eh!
Naging mga mature, tinawag nang ate't kuya. Natuto nang maging responsable sa mga bagay bagay na tiyak magagamit kahit sa labas pa ng paaralan.
Masayang dumaan ang sampung buwan na aming pinagsamahan. Unti-unting nagiging emosyonal dahil sa nalalabing isang taon sa iisang paaralan. pero pull na pull man ang kalungkutan sa aming puso, push na push naman kaming sumaya keber lang muna sa problema, enjoy muna! yan ang aming laging iniisip.
~~~~
BINABASA MO ANG
I WILL SURVIVE
Aktuelle LiteraturA Goodbye is most painful when you cant explain it in words. IT HURTS TO LET GO. But sometimes it hurts more to hold on.