~~•~~
First Year
~~•~~Natapos na ang paghihirap namin sa high school at dumating na ang araw na pinakahihintay namin. Ang aming pagtatapos.
Habang inaayusan ako ni Ate Girl dito sa kwarto ko. naalala ko yung mga panahong unang araw ko palang sa high school hanggang sa mga huling araw...
Flashback
Sa pagtatapos namin sa Elementarya alam naming may bagong simula kaming tatahakin at yun ang High School Life
^.^ High School Life ^.^
"KKKKKRRRRRIIIIINNNNNGGGGG!!!!!"
naalala ko yung unang bell sa First Day High, hay naku! Kung anong lakas nun siyang lakas din ng kabog sa dibdib ko, DUG DUG DUG DUG DUG. Syempre ikaw ba naman walang kaide-ideya kung anong meron sa bago mong school kasi hindi na yun ang dati mong kinasanayang school.
Naalala ko nun napakadaming tanong ang bumabagabag sa Akin!,
Ano kayang Mangyayari sa Akin sa bago kong school,
Eh Paano kung Terror si Ma'am/Sir?,
Paano ko ipa plus si X tsaka ibang letter?,
Makakayanan ko ba.?
Dala ang bag na may bakas pa ng Kanene-an (Yung Tipong may Cartoon Character) lakas loob akong pumasok nung unang araw yung tipong may attache case pa, tambakan ba naman ng napakaraming libro eh!
Super hanap ako sa Apelyido ko kung saang sekyon ba ako nabibilang.
Yung Moment na nahanap mo na tapos sumilip sa room ang daming tao,
Yung Iba ngumiti kasi magkakilala na kayo
Yung iba salubong ang kilay na waring sinasabing "SINO KA?".
Kung may bagay akong kinaeexcite sa High School ay ang;
Una, ARM CHAIR,
Pangalawa, BALLPEN,
Pangatlo, PAGKAIN. syemre hindi na yung ZEST-O na pambata meron na diyang Softdrink. tsaka goodbye biscuit na din hello junkfood na..
At Kung may mga bagay naman akong kinatatakutan
Una TEACHER
Pangalawa TEACHER ulit
Huli ay yung SUBJECTS. Malamang hindi na to tuLad ng dati na ang tatanungin lang ilang vowel meron tayo? Pang-Ilang planeta ang Jupiter? Yung mga ganun wala na yan ngayon.
OO, sa simula syempre naninibago.
"Ano yung SSG?" - Ah, mini-government pala sa school,
"Bakit Kailangan ko Sumali sa mga clubs?" - Ah, para pala makipag Socialize sa iba,
"Ano yung visual aids?" - Ah, yun pala yung gagamitin sa reporting.
Mga Bagay na unti-unting nabibigyang linaw habang dumadaan ang mga araw.
Mga kaibigan na kasama mo syempre sa kalokohan at kasiyahan.
Kasama mo rin sila sa mga patimpalak na bago sa paningin,
SPEECH CHOIR,
DECLAMATION,
USED PAPER DRIVE.
At marami pang iba. napakarami mang pautot pero dito nahubog ang aming talento't kakayahan.
Sa Unang taon naming high school, alam naming hindi pa ito wakas, Dito paLang nagsisimuLa ang totoong paglalakbay.
~~•~~
BINABASA MO ANG
I WILL SURVIVE
General FictionA Goodbye is most painful when you cant explain it in words. IT HURTS TO LET GO. But sometimes it hurts more to hold on.